Dagdag sahod sa mga taga-NCR, ipinatupad na

Dagdag sahod sa mga taga-NCR, ipinatupad na

- Kasado na ang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa NCR

- Mula P512 ay P537 na ang minimum wage sa ngayon

- Magiging epektibo raw ito 15 days matapos ang publication

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag sahod sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, kasado na sa NCR board ang dagdag sahod na P25. Base sa tweet ng DZMM ay may dagdag P10 din sa integration sa basic pay ng COLA.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mula P512 ay magiging P537 na raw ang minimum wage sabi ni Bello. Magiging epektibo raw ito 15 na araw matapos ang publication.

Samantala, dati na ngang naiulat ng KAMI na noon pa man ay nais na isulong ng DOLE ang dagdag sweldo sa manggagawa na “At least P20”.

Giit naman ng mga ibang labor groups na tila kulang daw ang dagdag na iyon dahil sa mga taas ng bilihin ngayon dulot ng inflation sa bansa. Para sa iba naman, mas maigi na raw ang mayroon kaysa sa wala.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)