Coco Martin, puno ng pasasalamat sa kanyang 37th birthday

Coco Martin, puno ng pasasalamat sa kanyang 37th birthday

- Hindi maikakaila na malayo na nga ang narating ng FPJ's Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin

- Ngayon, ang kanyang teleserye sa ABS-CBN ay nangingibaw talaga sa rating at ang maraming biyaya pa ang dumating sa buhay niya

- Kaya naman napa-selfie na lang ito sa birthday niya at taos pusong nagpapasalamat sa Panginoon at sa lahat ng tao na tumulong sa kanya

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang trending selfie nga ang ibinahagi ng bida ng FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin at spotted ng KAMI ang naturang post sa kanyang Instagram page.

Tila kumuha ng selfie picture si Coco na backdrop ang kanyang bakuran na makikita ang kanyang magandang pool.

At sinulatan niya ito ng isang caption ng isang successful na tao na mayroong grateful heart sa lahat ng mga blessings na dumating sa kanya, habang ipinagdiriwang niya ang kanyan 37th birthday.

Saad pa ni Coco sa kanyang caption:

"Maraming salamat Panginoon sa pagmamahal mo sakin. Salamat din sa lahat ng tao na binigay mo sa buhay ko upang maging daan para matupad ko ang pangarap ko na mabigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya ko. Ngayon sana mas gamitin mo pa ako upang maibalik ko nman sa aking kapwa ang lahat ng blessing na pinag kaloob ninyo sakin. Salamat 37yr na buhay na pinag kaloob mo sakin isang napakaganda paglalakbay... mahal na mahal ko po kayo!!!"

Isa si Coco Martin sa nagdiriwang ng kaarawan sa November 1.

Si Coco Martin ay una umanong napanood sa pelikulang Luv Text noong 2001, at ngayon, siya lang naman ang tila hari ng telebisyon sa mga teleserye shows dahil ang kanyang FPJ's Ang Probinsyano ay ilang taon na pumapatok sa ratings mula 2015.

POPULAR: Read more news about Coco Martin here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel