Na-scam na pag-ibig! Magkapatid, nabiktima ng online BF

Na-scam na pag-ibig! Magkapatid, nabiktima ng online BF

-Pagkatapos daw hingan ng higit 200K ang magkapatid na biktima, naglaho raw bigla ang online BF ng isa sa kanila

-Ang masakit pa nito, ipinangutang lamang ng kanilang pamilya ang naibigay nila sa scammer pala

-Habang ang ginamit na imahe ay walang kaalam-alam sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nangarap lang naman daw ng magandang kinabukasan ang magkapatid na Remelyn at Noveline na parehong mula sa Nueva Ecija.

Ayon sa kwento ng mga ito, unang nakatanggap ng frind request si Remelyn mula sa isang foreigner na piloto na si 'Joe', isa umanong British.

Madalas daw silang mag-chat ngunit dahil kasal si Remelyn, ipinakilala niya ito sa kapatid na si Noveline para magpanggap na siya.

“Lagi siyang nag-a-I love you. Sobrang sweet. Syempre po, nadadala ka dun sa feeling na ganun. Parang napamahal na rin po ako sa kanya,” pag-amin ni Noveline.

Napaniwala sila ng mga ito na tunay ang hangarin nito at pinangakuan pa sila na magpapadala ng bagahe na nagkakahalaga ng USD20,000 o P1.8 million.

Ngunit isang araw bago ang inaasahan pagdating ng bagahe, sinabihan daw sila ni Joe na kailangan nilang magbayad ng P50,000 para sa tax nito.

Nagbigay pa ito ng numero kung saan sila pwedeng tumawag para sa detalye ng pag-proseso daw ng bagahe.

At kahit pa nga nakaamoy na ng scam ang pamilya niya, naniwala pa rin si Noveline sa kanyang 'online BF'.

Ngunit hindi pa rito natapos ang paghingi ng suspek, dahil ang taong kausap daw ni Noveline ay huminhi pa ng karagdagang P250,000 dahil daw nagkaroon ng problema ang bagahe.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napilitan pang mangutang ang pamilya ng P50,000 ngunit iginiit daw ni Joe na kailangan silang makapagbigay ng P250,000.

Napilitan pa ring mangutang ang pamilya na manghiram ng P100,000!

Kahit pa nga nakapagbigay na sila ng P200,000, hindi pa rin dumating ang ipinangakong bagahe.

Hanggang sa bigla na lamang daw nawala si Joe at hindi na makita pa ng magkapatid ang lalaking inakalang magaahon sa kanila sa kahirapan.

Nag-file na ng reklamo ang magkapatid sa NBI Cabanatuan office.

Napag-alaman na ito ay scam lamang. At ang imahe ng lalaki na ginamit ng suspek ay isang tunay na piloto at kinilalang si Patrick Biendekapp.

Nakatatanggap na rin ito ng mga tawag na ginagamit nga daw ang kanyang mga litrato para makapangloko.

Nagbabala naman ang mga awtoridad sa ganitong gimik.

Source: GMA News

Na-scam na pag-ibig! Magkapatid, nabiktima ng online BF

Photo source: GMA News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel