Alessandra de Rossi, lalong hinangaan dahil sa kanyang paninindigan

Alessandra de Rossi, lalong hinangaan dahil sa kanyang paninindigan

- Inamin ni Alessandra de Rossi na choosy siya pagdating sa pagtanggap ng trabaho

- Di bale daw baleng magutom siya kung di niya makita ang dahilan kung bakit dapat niyang tangapin ang isang proyekto

- Sa panayam ng press sa bagong movie niya na Through Night and Day, naitanong sa kanya ang kumakalat na balita na may tampos raw siya sa ABS-CBN

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinahagi ng Kapamilya aktress na totoong choosy siya pagdating sa pagtanggap ng mga gagawin niyang proyekto. Matatandaan pang tinanggihan niya ang isang 2 Million endorsement ng alcohol brand dahil hindi naman daw siya umiinom.

Nais daw niya pag nagendorse daw si,ya yung produkto lang talaga na ginagamit o magagamit niya. Nakakaloko naman daw kasi yun, hindi lang sa brand pero pati sa consumers.

Napag-alaman ng KAMI na sa wakas ay sinagot na ng diretsahan ni Alessandra "Alex" de Rossi ang bali-balita na may tampo umano siya sa ABS-CBN.

At ito ay dahil sa kakatapos lang na teleserye ng Kapamilya network na pinagbibidahan ni Papa P. Piolo Pascual.

Kasama rin rito sina Emopy Marquez at Arci Muñoz.

Sa panayam ng press, na ibinalita naman ng PEP, kung saan una naming naispatan ang balitang ito.

Bungad na pag-amin ni Alessandra:

"Noong i-noffer siya sa 'kin, leading lady talaga siya. I mean, kilala niyo naman ako ever since. Bago 'yon, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko and finally dumating yung role na gusto ko kasi leading lady, e, parang bago 'to, i-try nga natin."

Ito ang naging pahayag ni Alessandra sa presscon ng bago niyang pelikula na Through Night And Day.

Hindi naman raw niya talaga expected na magiging secretary siya ni Piolo imbis leading lady.

Dagdag pa ng award-winning actress:

"Yun nag-abot naman ako ng kape at papel kay Papa P. So masaya naman ako na natapos na yung show dahil gustong-gusto ko nang gawin 'to [Through Night and Day]."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagpapatuloy na actress:

"I don't know kung ano yung nakarating, the tampo and all, but hindi iyun yung in-offer sa 'kin na role and kung alam ko lang na mag-aabot lang pala ako ng kape, ginawa ko na 'to agad [movie] kasi naghihintay itong movie na ito. Ganun lang siya."

Hindi naman daw siya nagkikimkim ng sama ng loob.

Nakatanggap ng kanyang unang FAMAS Awards Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Azucena si Alessandra de Rossi. Siya ang nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel