4-anyos na batang lalaki, nasawi sa kamay ng GF ng kanyang ama

4-anyos na batang lalaki, nasawi sa kamay ng GF ng kanyang ama

-Matapos i-report na nawawala ang 4 taong gulang na batang lalaki na si Darnell Gray nitong October 25, natagpuan ang kanyang katawan sa isang gubat

-Ayon sa ulat, ang nobya daw ng ama ng biktima ang siyang suspek sa pagkamatay nito

-Naiwan ang bata sa pangangalaga ng suspek dahil nagtiwala umano ang ama nito na aalagan ng kanyang nobya ang kanyang nagiisang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang anim na araw na paghahanap sa batang si Darnell Gray, 4 na taong gulang, natagpuan ang walang buhay na katawan ng musmos sa isang kagubatan sa Jefferson City sa Missouri.

October 25, inireport ni Quatavia Givens, na nawawala ang bata.

Inamin ni Givens na maaring nasaktan niya ito ng sobra at plinano pa umano nitong umalis at pumunta sa Florida para tumakas.

Kinasuhan na ito ng child abuse resulting in death.

Hindi naman makapaniwala ang ama ng bata na si Kijuanis Gray na magagawa ito ng kanyang nobya sa kanyang anak na lubos niyang pinagkatiwalaan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumisita lamang si Gray sa kanyang inang may sakit kaya naiwan ang kanyang anak sa pangangalaga ng kanyang nobya.

Ayon sa autopsy ang ikinasawi ng biktima ay "blunt and sharp force trauma".

Ang ina naman ng bata ay nananatili sa Chicago. Hiwalay na ito sa ama ng bata na dinala umano ang bata sa Missouri, 6 na buwan na ang nakakaraan para sana makahanap ng maayos na buhay.

4-anyos na batang lalaki, nasawi sa kamay ng GF ng kanyang ama

Photo source: Dearly / Darnell Gray, 4

4-anyos na batang lalaki, nasawi sa kamay ng GF ng kanyang ama

Photo source: Dearly / Quatavia Givens, 26

Source: Dearly, New Tribune, Chicago Sun Times

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado

Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado

Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel