Kasambahay na magpapa-load lang daw, nakatakas sa abusadong mga amo

Kasambahay na magpapa-load lang daw, nakatakas sa abusadong mga amo

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isang kasambahay na nakatakas sa mapang-abusong amo

- Di raw siya pinakakain ng maayos at laging may pagbabanta na sa kanyang buhay

- Sa tulong din ng programa, nakuha na ni Michelle Poyos ang kanyang mga gamit sa bahay ng amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na tumakas na ang kasambahay na si Michelle Poyos nang magpaalam itong magpapaload sa kanyang amo.

Ayon sa ulat ng Manila Flash, dumulog na si Michelle sa programa ni Raffy Tulfo nang sa gayon maayos na rin niyang makuha ang kanyang mga gamit sa inaakusahan niyang mapang-abusong mga amo.

Ngunit bago nila isagawa ito, inalam muna ni Tulfo kung ano ba ang nagawa ng mga amo para magawa ng kasambahay na tumakas.

Sa kwento ni Michelle, lagi raw siyang nakatatanggap ng pagbabanta mula sa kanyang amo at maging ang balak niyang pag-alis patungong Japan para mamasukan ay nais pang harangin ng mga amo at may kakilala raw ang mga ito sa Department of Foreign Affairs.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Reklamo rin ng kasambahay ang di pagpapakain sa kanya ng maayos ng mga amo.

Samantala, pinagbibintangan di umano si Michelle ng kanyang mga amo ng pagnanakaw.

Mariin naman niya itong itinanggi at di naman daw niya ito talaga ginawa. Minabuti na niyang umalis para na rin sa ikatatahimik ng lahat.

Matapos ang diskusyon, pinayagan pa rin naman ng mga amo na kunin ni Michelle ang kanyang mga gamit ngunit sinamahan na rin siya ng crew ng nasabing programa upang maiwasan na rin ang gulo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel