20-month-old baby girl stabbed and baked by her grandmother

20-month-old baby girl stabbed and baked by her grandmother

-Kalunos-lunos ang inabot ng isang batang halos 2 taong gulang pa lamang sa kanya umanong lola sa Mississippi, USA

-Ayon sa imbestigasyon namatay ang batang babae sa saksak at sunog sa oven kung saan ito nakita

-Ang lola nito mula sa ina ang nag-iisang suspek sa krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang maselang balita mula sa USA, isang 20-month-old na batang babae na kinilalang si Royalty Marie Floyd ang nasawi sa mismo umanong mga kamay ng kanyang lola.

Ayon sa ilang ulat, isang kaanak ang tumawag sa pulisya nang makita nito ang katawan ng batang babae sa bahayng kanyang lola sa Bolivar County, Mississippi, USA.

Nagtamo ng mga saksak ang bata at lumabas na rin sa autopsy na buhay pa ang bata nang ilagay ito sa oven at doon na binawian ang buhay ang kawawang musmos.

Naaresto sa crime scene ang lola nito na si Carolyn Jones, 48 na taong gulang at kasalukuyang hinaharap ang kasong first degree murder.

Ayon sa pulisya, hindi pa rin alam ang motibo sa krimen hanggang ngayon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I’ve been in law enforcement a long time, 26 years almost. This is one of the most horrible things I’ve ever seen.” ayon kay local sheriff Kevin Williams.

Ayon din sa ulat, ang bata ay nakatira sa kanyang lola habang ang ina nito ay nagta0trabaho sa ibang lugar.

Nagpahayag ng kanyang pagdadalamhati ang ina ng bata sa kanyang facebook post.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping

Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping

Lea Salonga, naghandog ng awitin sa state dinner para kay Chinese President Xi Jinping
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel