Adik na DOTA player, nagbenta ng ilang gamit sa laro para sa kanyang dialysis

Adik na DOTA player, nagbenta ng ilang gamit sa laro para sa kanyang dialysis

- Binahagi ng isang DOTA player kung paano nakatulong ang kanyang laro sa pagda-dialysis

- Sa 5000php niyang capital, di na siya namroblema sa pagpapagamot na ginagastusan ilang araw sa isang linggo

- Di niya akalaing ang kanyang pagiging adik sa laro ang magiging sagot sa gastusin ng kanyang pagpapagamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos guho raw ang mundo ng adik na DOTA player na si Mark Alexis Taguinod nang ma-diagnose siya ng pagkakaroon ng Chronic Kidney Disease Stage 5 noong 2012.

Bukod kasi sa malubhang sakit, isa sa kanyang prinoblema agad ay ang pagpapagamot niya partikular na ang pagda-dialysis niya ilang araw pa sa isang Linggo.

Ayon pa sa panayam sa kanya ng FHM, pakiramdam niya talaga na pabigat siya sa kanyang pamilya na gagastos ng nasa 2000php hanggang 2500php sa regular na pagpapa-dialysis noong panahong iyon dalawang beses pa sa isang Linggo.

Kaya bilang adik na manlalaro ng DOTA, naisipan niya itong pagkakitaan. Buy and sell daw ito kung tawagin kung saan namuhunan lamang daw siya ng 5000php at di niya akalaing kikita siya ng 1000php kada araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kung tutuusin, di gaya ng ibang DOTA players, wala pa raw siyang koneksyon kaya naman talagang nagpo-post lamang siya gamit ang facebook para sa bentahan.

Ang nakakatuwa pa rito, purong mga Pinoy ang kanyang mga kliyente na malaking tulong ang pagsuporta sa kanyang online business.

Dahil dito masasbi ni Mark na full-time work na niya ang buy and sell ng mga gamit sa DOTA na naging bahagi ng pagpapagaling niya at paglaban sa sakit na inaakala niyang hihila sa kanya pababa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel