Crew ng Mcdo, hinangaan sa pagiging kalmado nito kahit dinuro-duro na siya ng customer

Crew ng Mcdo, hinangaan sa pagiging kalmado nito kahit dinuro-duro na siya ng customer

- Binahagi ng isang netizen isang insidente ng "pambabastos" na di umano ng isang customer sa service crew

- Dinuro-duro na raw ng galit na galit na lalaking customer ang service crew ngunit nanatili pa rin itong kalmado

- Nagawa ring ipagtanggol ng nagpost ang service crew na hinangaan niya sa pagiging magalang pa rin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ni Lyn Montallana Macatuno kung saan binhagi niya ang isang insedente ng pagwawala di umano ng isang customer ng McDonald's sa San Jose Del. Monte Cor. d Tuazon Quezon City.

Ayon sa post ni Lyn, galit galit umano ang isang customer na lalaki sa service crew ng naturang fast food chain dahil sa di ito naasikaso ng maayos.

Naunawaan naman ni Lynang crew dahil sa dalwa silang iniintindi ng crew at siya naman din talaga ang nauna.

Marahil daw ay di lang narinig ng crew ang tinanong ng lalaki nang bigla na lamang daw itong magsisigaw at nagawa pang duruin ang crew.

Akala raw ni Lyn ay tapos na ang eksena at napigilan na ng asawa ang lalaki ngunit di pa raw itopaawat at bumalik pa ito sa counter upang duruin pa rin ang service crew.

Dito di na napigilan ni Lyn na ipagtanggol ang crew na di manlang talaga nagawang lumaban sa matanda.

Sinabi ni Lyn na mali ang ginagawang panduduro ng lalaki na nagmamalaki pang regular customer daw siya ng branch.

Binara na rin ni Lyn ang lalaki dahil tila ba ay nabili na raw nito ang pagkatao ng crew na ganun ganun na lamang ang pambabastos sa crew.

Samantala, hinangaan din niya ang crew na nanatiling kalmado sa buong insidente at di ito sumagot at nanlaban.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga netizens na nakabasa sa post ni Lyn ay sinang-ayunan siya lalo pa at nabanggit niya na minsan, di rin katanggap tanggap ang kasabihan "Customer is always right" lalo na sa ganitong klaseng sitwasyon.

Maging si Lyn ay hinangaan din ng netizens sa pagtatanggol sa crew lalo pa at nasa pareho silang linya ng propesyon sapagkat isa pala itong chef.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakasulat kc sa harap nya play it cool,,,saludo ako sau boss"
"Salute din sayo Chef! Para sa pagtatanggol sa ka ya"
"Patience is indeed a talent in the hospitality industry! Hirap talaga sa industry naten kaya I salute you Chef sa pagtatanggol sa crew."
"Dapat costumer always wrong na hahaha demanding masyado ibang costumer"
"Feels. Salamat sa lahat ng mga nakakaintindi .Good job chef"
"Salute to u Chef lyn..ur a Hero...lalo na s mga maliliit n members of society..May ur tribe increase"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel