PWD na puto vendor, biktima daw ng abusadong pulis na di nagbayad sa kanya

PWD na puto vendor, biktima daw ng abusadong pulis na di nagbayad sa kanya

- Binahagi ng isang netizen ang sinapit ng isang 'person with disability' na nagtitinda ng puto sa pulis

- Halos maubos daw ng isang pulis ang panininda ng tindero ng puto ngunit di ito nagbayad

- Masamang masama ang loob ng tindero na wala rin namang nagawa sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binahagi ng netizen na si Jhezsa Dyanne Cahvintoy ang kaawa-awang sinapit ng isang puto vendor na nakilalang si Crisante Francisco.

Ayon sa post ni Jhesza, mismong sa presinto sa Sta. Quiteria Caloocan naganap ang pang-aabuso ng pulis. Halos maubos daw ang panindang puto mang Crisante ngunit sa kasamaang palad, di naman daw nagbayad ang pulis.

Masamang masama ang loob ni mang Crisante at halos atakihin daw ito sa puso ngunit wala itong nagawa.

May sakit pala talaga sa puso si mang Crisante at bagaman at may iniindang karamdaman, nagsusumikap parin ito upang maitaguyod ang kanyang dalwang maliliit na mga anak.

Ang pagtitinda ng puto ang siyang kinabubuhay ng kanilang pamilya at ito rin ang pinagkukunan niya ng pambili ng gamot.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mag-isa lang na tinataguyod ng 41-taong gulang na ito ang mga anak kaya naman malaking kawalan ang sana ay kinita niya sa mga kinuhang puto ng pulis.

Kaya naman binahagi ni Jhesza ang kalagayan ni mang Crisante upang mapanagot ang abusadong pulis sa ginawa nito kay mang Crisante.

Samantala, di rin naiwasan ng mga netizen na maglabas ng saloobin sa mapang-abusong pulis na gumawa nito sa walang kalaban-labang si mang Crisante.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wala Kang puso animal ka Alam Mo nghihirap na ag Tao sa pgtitinda nakaya mo pang gawin Yun Kay manong"
"Sana magka cancer sa sikmura Yung pulls na kumain sa paninda nung tao, pakapalan lng NG mukha yan, gen elliazar ncrpo chief paki batukan nga po itong pulis nyo Ang kapal NG mukha"
"Isumbong kay Tulfo at ma bigyan ng leksyon ang pulis"
"Dating 100% nakapulisan mababait ngayun 2% nlang mga walang awa..Sana. bumalik sa pulis ang parusa karmahin sNa sya...bwesit na batas yan"
"Hayop! Dinoble na nga sweldo nyo, hindi pa kayo makontento mga buwaya kayo."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel