Nakapambahay lang! John Lloyd Cruz at Ellen Adarna namataang naggu-grocery

Nakapambahay lang! John Lloyd Cruz at Ellen Adarna namataang naggu-grocery

- Muling namataan ang howbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

- Magkasama silang naggu-grocery kamakailan lang at simpleng simple ang pananamit

- Parehong side profile lamang ang kuha sa dalawang larawan ,ngunit hindi maipagkakailang sina John Lloyd at Ellen ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling namataan ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna habang naggu-grocery na ibinahagi ng isang Instagram fanpage.

Hindi man sila ngayon aktibo sa showbiz, lalong naging curious ang mga tao lalo at hindi sila nag sha-share ng mga pictures nila sa social media. Kaya naman, sa pagkakataong namamataan sila sa publiko ay agad silang kinukunan ng litrato.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dalawang magkahiwalay na larawan nina John Lloyd at Ellen ang ipinost sa Instagram page na @ellen_johnlloyd.

Makikitang parehos silang namimili sa isang supermarket at hindi kakikitaan ng kaartehan sa pananamit hindi kagaya ng nakasanayan sa kanila bilang mga dating artista.

Parehong side profile lamang ang kuha sa dalawang larawan ,ngunit hindi maipagkakailang sina John Lloyd at Ellen ang mga ito.

Pulang sumbrero, itim na sando, at printed short lamang ang suot ni John Lloyd habang may hawak-hawak na bote ng ketchup at mapapansin din ang stroller na nasa tabi niya.

Si Ellen ay nakasuot naman ng black shirt at pants. Kasama ng dalawa ang kanilang baby na si Elias Modesto dahil may tulak na stroller si Ellen base sa mga comments ng netizens.

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Lumitaw siya sa ilang mga covers ng magazine.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Sya ay ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

POPULAR: Read more about John Lloyd Cruz and Ellen Adarna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Kapamilya singing champions nag patalbugan kasama si Regine Velasquez sa ASAP stage

Kapamilya singing champions nag patalbugan kasama si Regine Velasquez sa ASAP stage

Kapamilya singing champions nag patalbugan kasama si Regine Velasquez sa ASAP stage
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel