7 Celebrity couples na pinili gawing pribado o sikreto umano ang pagpapakasal

7 Celebrity couples na pinili gawing pribado o sikreto umano ang pagpapakasal

Marami na tayong nakikitang mga artista na nagkaroon ng bonggang kasalan pero mayroon pa ring ibang mga showbiz personalities na pinili hindi ipaalam sa publiko ang kanilang pagpapakasal.

Nalaman na lang ng sila ay nagsabi na o ibinalita kalaunan.

Ang iba sa kanila ay ikinasal una sa isang civil ceremony, habang ang iba ay sa simbahan muna bago ang kanilang grandiosong beach wedding.

Habang ang iba naman ay pinili magpakasal sa civil na seremonya sa loob ng kanilang bahay bago pa man ang napakabonggang church wedding.

Pero ang iba ay piniling magpakasal privately bago pa mabalita at may iba na nalaman na lang dahil sa isang kontrobersiya na kinasangkutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Heto ang pito (7) sa mga kilalang celebrities sa bansa na pinili na huwag isapubliko ang umano ang ilang bahagi ng kanilang pagpapakasal o pag-iisang dibdib, na napag-alaman ng KAMI.

Narito ang ang pito sa listahan na una naming naispatan sa GMA News Online.

1. Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Ipinaliwanag ni Solenn Heussaff-Bolzico sa kanyang blog kung bakit raw naging tahimik siya sa civil wedding nila ng mister na si Nico.

Nagkaroon ng civil wedding sila bago ang church wedding.

Ani niya:

"When we got back to the Philippines, I didn’t want to share what happened with anybody. I mean, it was just supposed to be the two of us signing papers with family and friends. The whole thing was meant to be small and quiet. But after the party and Belle snapping Nico and I signing our wedding license, of course, people started talking."

Pagdidiin pa ni Solenn:

"My thing is, I’ll share it when I want to share it."

Pagtatapos pa ng Kapuso star:

"People think that since I’m an actress, I’m supposed to divulge my life to everyone. But at the end of the day, I’m just a person and acting is just my job. Anyway, if I kept sharing everything, it would be hard for Nico and I to feel the realness of our relationship. If we gave it all away, we might as well live on set, right?"

2. Alice Dixson and her top executive husband (GS) of Crimson Resort & Spa Boracay

Naging kontrobersiyal naman ang mga kuhang snaps at video ng Ngayon at Kailanman actress Alice Dixson sa kanyang kaarawan na ginanap sa Boracay.

Todo react ang mga netizens hanggang nagrelease ng opisyal na statement ang Crimson Resort and Spa Boracay kung bakit naroon si Alice sa naturang isla, na noong panahon na iyon ay close pa dahil under rehabilitation pa ito.

Sabi pa sa naturang letter:

“Ms. Dixson is the wife of a top executive of Crimson Resort & Spa Boracay. They are both residents of the island with proper documentation. This has been confirmed and verified during an inquiry done by the Department of Interior and Local Government.”

3. Maxene Magalona and Rob Mananquil

Bago pa man ang kanilang beach wedding sa Boracay ay una palang kinasal ang dalawa sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati noong January 8, 2018.

33 lang daw katao ang umattend sa naturang church wedding, at ani pa ni Maxene sa caption ng kanyang pagsiwalat:

"We did this because we had always dreamt of having an outdoor ceremony with personal vows and since we’re both Catholic, we decided to have a small church wedding first. "

4. Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos

Naging isang top secret nga ang kasal ng Queen of Soap Operas at Eat Bulaga Dabarkad Ryan Agoncillo na naganap sa Batangas umano noong April 28, 2009.

Ang alam ng lahat ay ikakasal na sila pero hindi alam kung saan at kailan.

Nalaman na lang ng publiko umano ng may lumabas na ulat tungkol rito kinabukasan.

5. Rachelle Ann Go and Martin Spies

Ayon pa sa ulat ng source news outlet, marami man umano ang nakaalam sa engagement ni Rachelle Ann Go sa kanyang businessman boyfriend na si Martin Spies, naging private naman ang ginanap nilang beach wedding sa Boracay.

Saad pa sa balita, ang haka-haka ay April 19 raw naganap ang kasal pero nakipag-isang dibdib si Rachelle umano noong April 18.

6. Vicki Belo and Hayden Kho

Bago pa man ginanap ang sinasabing "wedding of the century" nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho sa simbahan sa Paris, ikinasal muna sila sa isang civil ceremony na officiated ni Mayor Abby Binay sa kanilang bahay.

7. Robin Padilla and Mariel Rodriguez

Inamin na umano ni Robin Padilla ang pagpapakasal nila ni Mariel Padilla noong August 19, 2010, sa Taj Mahal, sa Agra, India, pagkatapos umano ng isang buwan sa isang interview.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel