Lalaking walang tirahan, nagmisa at pumila para sa ostya, hindi raw pinagbigyan

Lalaking walang tirahan, nagmisa at pumila para sa ostya, hindi raw pinagbigyan

-Dumalo ng misa at pumila para sa ostya ngunit hindi pinagbigyan ng lay minister ang isang pulubi sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Malabon

-Ayon sa uploader, matyagang pumila ang lalaki at hinintay na matapos ang lahat bago ito pumila para sa communion bread

-Ayon pa dito, nang isangguni nila ito sa pari doon ay tila ginawa pa raw katatawanan nito ang bagay na iyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi natiis ng isang netizen na si Gani Triste ang isa-publiko ang kanyang pagkadismaya sa isang simbahan sa Tugatog, Malabon.

Ayon kay Triste na dumalo sa misa kasama ang kanyang pamilya, matyagang naghintay ang pulubi na matapos ang lahat na pumila para sa ostya bago ito pumila.

Ngunit imbes na bigyan, tinignan lamang umano ito ng lay minister atsaka tumalikod.

Sa nasaksihan, ipinaalam daw nila ang pangyayari sa mga ushers ng simbahan ngunit sinabi ng mga ito na hindi raw nila nakita ang lalaking tinutukoy nila.

Ipinaalam daw ng mga ito sa pari ang nangyari ngunit tila ginawa pa umano itong biro at sinabing dalawa na lamang ang ibibigay dito sa susunod.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa post na ito sinabi ni Triste na hindi nila nagustuhan ang sagot ng pari.

"Naku parang naging joke pa sa kanya (pari) 'yung incident, 'Di namin gusto 'yung narinig namin sa kanya." sagot ni Triste sa kanyang kaibigan.

Ang insidente ay nangyari sa Sacred Heart of Jesus Parish sa Tugatog, Malabon.

Source: Readers portal Today, NewsFeed

Pulubing nagmisa at pumila para sa ostya, hindi raw pinagbigyan

Photo source: Readers Portal Today

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado

Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado

Di daw kaya ni Kris Aquino ang magpapatay ng tao, ayon sa kanyang mga abogado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel