Social dumping? 22 Pinoy truck drivers, na-rescue mula miserableng lagay sa Denmark

Social dumping? 22 Pinoy truck drivers, na-rescue mula miserableng lagay sa Denmark

-Walang disenteng tirahan at hindi nasunod ang mge benepisyo, ilan sa dinanas ng 22 Pinoy truck drivers sa Denmark

-Kasalukuyang nakahain na ang kaso ng mga ito

-Wala pang sagot mula sa ahensiya na nagproseso ng mga dokumento ng mga Pinoy papunta sa Europa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

22 na Pilipinong truck drivers aang na-rescue sa hindi makataong kalagayan sa Denmark.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakapaloob sa kontrata ng mga ito na sa Poland ang kanilang destinasyon at sahod na 1060 EUR kada buwan.

Ngunit pagkatapos daw ng 3 linggo ay laking gulat ng mga ito nang inilipat sila sa Denmark at bukod dito ay hindi rin naibigay ang ilan sa mga benepisyong ipinangako ng mga ito katulad ng maayos na tirahan, OT payment, at medical benefits.

Ayon din sa ulat, nakararanas din ang mga ito na matulog sa mga container trucks na walang heater, walang maayos na higaan, kusina at palikuran.

Habang ang iba naman ay nagsisiksikan daw sa mga barracks na ang laki ay 3x3 square meters at ang kusina ay kasama na sa toilet.

At kapag minalas pa na walang madatnang tulugan pagkagaling sabiyahe ay mapipilitang matulog sa truck.

Ayon rin sa report ang sahod ng mga ito dapat ay 26,000-32,000 Danish Kroner o 3500-4300 EUR kada buwan, malayo sa pinirmahang 1060 EUR sapagkat sila daw ay naka-base sa Denmark at hindi sa Poland.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman ito daw ay maihahalintulad sa 'socila dumping' sapagkat hindi naayon ang kanilang sahod sa ekonomiya ng bansang Denmark.

Sa isang panayam ng ABS-CBN kay Philippine ambassador Jocelyn Batoon-Garcia, sinabi nitong nakikipagugnayan na ang embahada sa mga kinauukulan sa Denmark at Poland para masiguro ang kalagayan ng mga Pinoy drivers.

“We have verified the report that the housing conditions of some of the drivers are not good especially because winter is coming. And we have check that there is some indecent contract that entered into, we have not found all of them. But we are in the process of getting our labor department to act on this matter of the violation of contractual obligations,"

"The camp in Padborg is exactly an example that the rules today are completely wrong and we need to tighten them up very much. That kind of exploitation must be stopped completely." ito naman ang naging pahayag ni Rina Ronja Kari, EU Representative for People's Movement.

Wala pang pahayag mula sa United Primover Enterprises Inc. na siyang nag-ayos ng mga dokumento ng mga Pinoy papunta sa Europa.

Nakahain naman na daw ang kaso ng mga Pinoy doon.

Source: ABS-CBN News

Social dumping? 22 Pinoy truck drivers na-rescue mula miserableng lagay sa Denmark

Photo source: Virtual Pinoy

Social dumping? 22 Pinoy truck drivers, na-rescue mula miserableng lagay sa Denmark

Photo source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel