Presidente Digong, binansagan daw ang sarili bilang "Santo Rodrigo"

Presidente Digong, binansagan daw ang sarili bilang "Santo Rodrigo"

- Napagkatuwaan ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagdiriwang umano ng mga katoliko ng "All saints day" at "All souls day"

- Di naman daw natin lubusang kilala ang mga tinaguriang santo kaya mas mabuti pang siya na lamang daw ang tawaging "Santo Rodrigo"

- Sa kabila nito, hinikayat pa rin ng pangulo ang payapang paggunita sa araw ng mga santo at araw ng mga patay at gawin sana itong makabuluhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa post-disaster command conference sa Isabela, tila napagkatuwaan nito ang pagdiriwang ng mga Pinoy sa "All Saints day" at "All Souls day"

Ayon sa ulat ng Inquirer.net, Sinabi ng pangilo na di naman daw natin kilala ng lubusan ang mga santong ito kaya bakit hindi na lamang nating kilalaning santo ang pangulo bilang "Santo Rodrigo."

"Happy All Saints’…Bakit naman…tarantado talaga itong mga Katoliko ang puta, bakit ba may All Souls’ Day at All Saints’ Day?” aniya.

"Hindi natin alam kung sino mga santo na ‘yun. Mga gago na iyon, mga lasenggo. Dito na lang kayo. I’ll give you a patron. Get hold of a picture of mine, iyan lagay niyo sa altar, Santo Rodrigo,” dagdag pa ng Pangulo.

Ngunit sa kabila ng pagbibiro niyang ito, nag[abatid pa rin ng mensahe si Presidente Digong patungkol sa paggunita ng Araw ng mga patay at Araw ng mga santo sa ating bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nanawagan siyang gawin ang paggunita na payapa at makabuluhan sa buong bansa. Hinikayat din niya ang taumbayad na pamarisan at tularan ang buhay ng mga santo.

"Together, let us emulate our saints, pray for the eternal repose of souls and deepen our engagement with our communities as we work for real and lasting change,” pahayag ng Pangulo.

Nabanggit pa rin ni Presidente Digong na mayroon pa rin naman daw tayong obligasyon sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na.

"It’s practically part of the culture but more than that, it’s something that’s very important for us to commune with our ancestors,” paliwanag niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel