Domestic helper na sinisante, hininalang kinulam ang employer

Domestic helper na sinisante, hininalang kinulam ang employer

- Isang Indonesian domestic helper ang sinisante matapos na paghinalaan itong kukulam at nagmamanipula sa matanda nitong amo

- Nagawa raw nitong ipabenta ang ilang ari-arian ng matanda at maging ang pension nito ay nagawa nitong kunin

- Sa kabila ng pagpapaalis, nagawa pa raw ng kasambahay na magbanta sa pamilya ng matandandang amo na maging sila ay kukulamin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 51 anyos na Indonesian na kasambahay ang hinihilang isang "mangkukulam" matapos nitong makakuha ng malaking halaga mula sa inalagaang amo na may edad na.

Ayon sa ulat ng Yahoo Philippines, nagawa raw ng kasambahay na ipabenta ang ilan sa mga ari-arian ng 88 tang gulang na employer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umabot din sa walong taon ang paninilbihan ng kasambahay sa matanda kaya raw nagagawa na nitong manipulahin ang mga desisyon nito.

Bukod sa pagbebenta ng ari-arian, nagawa ring makuha ng kasambahay ang tinatayang nasa $200,000 na benepisyo sa pagreretiro ng kanyang matandang employer.

Bagaman at sinisante na ang kasambahay na ito noon pang Agosto ng taong ito, labis na nababahal pa rin ang pamilya ng dating amo nito dahil sa umanong pagbabanta nito na kukulamin din sila.

Dahil sa mga pangyayaring ito, dinala ang mgatanda ng mga pamangkin nito sa isang "templo" sa kanilang lugar upang tuluyang ipaalis ang kulam sa kanya. Napagtagumpayan naman nila ito at laking gulat nila na tila nahimasmasan nga ang matanda sa hinihinalang ilang taong pagkakabilanggo sa kulam ng kasambahay.

Sa kasamaang palad, di nalang nila mababawi pa ang mga nakulimbat ng dating kasambahay na di umano ay nakuha sa "black magic."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel