Binatilyong gumastos ng ₱2 million sa nobya, dahilan ng pagkabankcrupt ng magulang

Binatilyong gumastos ng ₱2 million sa nobya, dahilan ng pagkabankcrupt ng magulang

- Isang Chinese teenager ang naglustay ng US$37,000 o nasa halos 2 milyong piso para sa nobya

- Ito rin ang naging dahilan ng pagka-bankcrupt di umano ng kanyang mga magulang dahil sa account ng mga ito ang ginamit ng binatilyo

- Ginamit umano ng 19 taong gulang na nakilala lamang sa kanyang apelyido na "Lee" ang pera pakikipag-live stream sa sinasabi niyang nobya online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na- bankcrupt di umano ang mga magulang ng binatilyong may apelyido na Lee matapos nitong lustayin ang account nito sa online girlfriend.

Ayon sa ulat ng Yahoo Philippines, mayroon namang trabaho ang 19 taong gulang na binatilyo kung saan niya kinukuha noon ang pantustos sa online "hosts" website na Juxing Kuwo sa China.

Ito ay isa lamang sa 150 website na may ganitong uri ng live stream kung saan nireregaluhan ang mga hosts para sila ay kumanta, sumayaw, makipagkwentuhan o kahit sabayan lamang ang kanilang customer na kumain at lahat ito ay nagaganap "online."

Dahil sa pagkakalulong dito lalo na sa "gifts" na binibigay niya sa mga "hosts" na kanyang nakakausap, naisipan na ni Lee na gamitin ang ipon ng kanilang pamilya.

Masarap daw kasi sa pakiramdam pag kausap ang mga "hosts" dahil sa tinatawag ka nilang "sir". Pakiramdam ni Lee nakakataas ito ng morale at pakiramdam niya, mayaman siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lalo na nang makilala niya ang isang partikular na babaeng sinasabi nang nobya ni Lee. Ito raw ang naging dahilan ng pagkakautang pa niya sa ibang kamag-anak para lamang laging makapag-live stream si Lee sa babae.

Samantala, di pa ito malalaman ng kanyang mga magulang kung di pa tinangka ng kanyang ama na maglipat ng pera mula sa kanilang family savings. Laking gulat nito na sa halos 1 yuan na lamang ang natira sa kanilang account.

Sa kasamaang palad, mariing itinanggi ng babae na siya lamang ang nobya ni Lee na pinagkagastusan nito ng malaking halaga.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel