Yaman! 4 Celebs at ang kanilang magarbong private jet plane at helicopter

Yaman! 4 Celebs at ang kanilang magarbong private jet plane at helicopter

Kahit sinong celebrity na sikat at maraming mga proyektong ginagawa sa kani-kanilang karera ay hindi malayong magkaroon ng mga sobrang mga mahal na bagay dahil afford na afford na nila ito.

Marami na tayong naririnig tungkol sa mga celebrities na may mamahaling kotse at mga yate pero hindi pa tayo masyadong nakarinig ng balita tungkol sa mga celebrities na nagmamay-ari ng mga private planes at helicopter.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, naispatan ng KAMI ang apat sa kilalang mga personalidad sa mundo ng showbiz, sports, business, at pulitika na nagmamay-ari ng mga magagarbong sasakyang panghimpapawid.

1. Gretchen Barretto

Ayon pa sa balita ng PEP, noong January 2017, pinasilip ni Gretchen Barretto ang kanyang mga followers sa Instagram kung paano siya bumiyahe in style at ito nga ay sa pamamagitan ng private jet.

Sabi ni La Greta, papunta raw sila ng Taiwan noong panahon na iyon at suot suot ang isang mamahaling south sea pearl necklas sa business trip nila.

Hindi naman daw sigurado ng source media outlet, kung ang naturang private jet plane ay pagmamay-ari ni La Greta at sa kanyang mister na si Tonyboy Cojuangco.

2. Chavit Singson

Ang Presidet at Chairman ng LCS Grroup of Companies na si Luis "Chavit" Singson ay nagmamay-ari ng Boeing 737.

Ginagamit raw niya ito sa kanyang mga biyahe.

Ayon na rin sa FB page sa taas, noong September 2017 ang pagganap sa blessing ng naturang eroplano sa NAIA Terminal runway sa Parañaque City.

3. Manny Pacquiao

May-ari naman si Manny "Pacman" Pacquiao ng 5-seater, 2nd hand Bell Jet Ranger helicopter noong 2012.

At ayon pa umano sa balita ng mga sources sa ABS-CBN, nagkakahalaga umano ito ng 18 million pesos.

Binili niya raw ito para regalo sa kanyang sarili at ginagamit niya ito para mapuntahan ang mga constituents niya na nakatira sa mahirap puntahan na mga lugar, para umano to "better serve people."

4. Willie Revillame

Ang Wowowin host na si Willie Revillame ay pagmamay-ari ng isang Airchild-Dornier 328, ayon pa sa ulat.

At ito ay pinakita niya sa Yes! Magazine noong June 2015 issue.

Isa raw itong 30-seater aircraft na nagkakahalagang 200 million pesos.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel