Parody daw nina Sam YG at Tony Toni sa viral video ni Cesar Montano, agaw-pansin!

Parody daw nina Sam YG at Tony Toni sa viral video ni Cesar Montano, agaw-pansin!

- Pinag-uusapan ang parody ng tatlong kilalang mga radio hosts na sina Sam YG at Tony Toni ng Boys Night Out

- Nawindang lang naman ang social media sa nakakalokang video na ginawa ng dalawa para gayahin ang viral video ni Cesar Montano

- Umagaw pansin naman ang online world at pati mga kilalang showbiz personalities hindi nakapagpigil at nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa IG post ni Sam YG

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang nakakagulantang at nakakalokang parody umano ng mga Boys Night Out radio hosts na sina Sam YG at Tony Toni.

Ang naturang video ay diumano'y birong panggagaya sa viral "video greeting gone wrong" ni Cesaar Montano.

Isang lalaki ang nakahubad na nanghuhugas ng kamay sa loob ng isang washroom.

Ayon pa sa balita ng PEP, diumano ay natukoy na ang nasabing lalaki at ito ay ang kanilang kasamahan rin sa trabaho.

Umagaw talaga ito ng pansin ng mga kilalang mga artista gaya nina Solenn Heussaff at Billy Crawford at napacomment na lang ang mga ito.

Ani pa ni Solenn:

"OMG. I know ur inspo for this."

Sagot naman umano ni Sam kay Solenn:

"@solenn sige nga. take a guess [wink emoji]."

Gulat naman na pahayg raw ni Billy:

"What the Hell did I just watch?!? That wasn't a pleasant greeting lol @samyg."
Parody nina Sam YG at Tony Toni sa viral video ni Cesar Montano, patok na patok!

Credit: Instagram/Sam YG

Nawindang naman daw si Cheska Garcia sa napanood niyang video, at nagsabi na lang ng:

"Stress..."

Ang DJ na binati nila sa naturang video na si Slick Rick ay nagulat din daw at nagkomentong:

"My eyes [laughing emoji]."

Habang ang mister ni Solenn ay natawa na lang umano pati na rin si Jugs Jugueta.

Kung gusto niyong makita ang video, you can visit Sam YG's IG page.

Marami na ring mga parody ang lumabas tungkol sa viral video greeting gone wrong ni Cesar Montano.

Kamakailan ay ibinahagi namin ang viral video greeting ni Cesar Montano.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel