"There are good men in the world," Lea Salonga's reminder

"There are good men in the world," Lea Salonga's reminder

- May mahalagang bagay na pinapaalala ang international music superstar na si Lea Salonga lalo na sa mga babae at ito ay meron pa daw mabubuting mga lalaki sa mundo

- Isang Instagram post ang nagtrending ngayon sa social media page ng world class performer kung saan ito ay isang imahe na may nakasulat na maikling kwento

- Ang mensahe ay tila isang kwento ng nanay tungkol sa anak niyang babae na nagsimula na ng kanyang period at dahil sa isang batang lalaki nailigtas ito sa posibleng matinding kahihiyan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bumuhos ang maraming mga netizens upang magreact sa magandang kwento at paalala ni Lea Salonga sa kanyang Instagram post na naispatan ng KAMI ilang oras pa lang ang nakakaraan.

Ang kwento ay galing sa isang ina tungkol sa kanyang anak na babae na nag-umpisa na sa kanyang period at isang araw umano ay sa pagsakay ng bus pauwi bigla na lang umano hinila siya ng isang lalaki na mas matanda sa kanya.

Bumulong raw sa kanya at nagsabi na mayroon syang stain sa kanyang pants.

Kaya ibinigay umano ng naturang lalaki ang kanyang sweater sa kanyang anak at tinali around her waist para matakpan ang naturang mantsa para raw makasakay na siya sa bus at makauwi.

Sinabi raw ng anak niya na nahihiya siya pero ang sambit naman daw ng lalaki sa kanya:

"I have sisters, it's all good!"

Talaga namang nakaka good vibes lang na sa maraming mga bastos na lalaki ay mayroon pa ring mga matitinong mga lalaki, na napalaki ng kanilang mga magulang ng maayos.

At dito hindi rin naiwasan ni Lea na ibahagi ang kanyang parehong kwento.

Ani pa niya sa kanyang caption:

"Allow me to share a similar story. The zipper on my uniform in high school was open. One of my male classmates went behind me and discreetly zipped it up for me."

Dahil dito, nagbigay pugay si Lea sa mga mommies na pinalaki ang kanilang mga anak na lalaki ng tama at lumaking magiging mga mahusay na lalaki.

Sa huli ay pinaalala ni Lea na mayroong mga mabubuting lalaki sa mundo at tila umaasa na mas magiging marami pa sila.

To the moms raising their boys right, and to the boys growing up to be excellent men, I salute you all. There are good men in the world. May your tribe increase."

Si Lea Salonga ay sumikat ng husto sa kanyang role bilang si Kim sa Miss Saigon.

Sa katunayan ay nag-uwi siya ng mga prestihiyosong parangal mula sa Tony's at sa iba pang mga natatanging award-giving bodies.

POPULAR: Read more news about Lea Salonga here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel