Mga namayapang artistang nagdonate upang mabigyang liwanag ang mga walang paningin

Mga namayapang artistang nagdonate upang mabigyang liwanag ang mga walang paningin

- Nawala man ng biglaan, ilan sa mga artista ay nag-iwan ng isang bagay na nakapagpabago ng buhay ng ibang tao

- Ito ay sa pamamagitan ng pagdonate sa kanilang mga mata

- Kaya naman, nanatili silang buhay sa mga bulag na nakakakita na muli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Biglaan mang nawala ang ilan sa mga kabataang artista, nakapagpabago sila ng buhay ng mga taong walang paningin sa pamamagitan ng pag donate ng kanilang mata.

Bilang paggunita sa undas, ating balikan at alalahanin ang mga yumaong artista na nagbigay ng "gift of sight."

Ilan sa kanila ay sina Jay Ilagan, Miko Sotto, AJ Perez, anak ni Cesar Montano na si Christian Angelo, at anak ni Toni Rose Gayda na si Edward James Lim.

Manila Eye Bank Foundation ang napili ng kanilang pamilya na pagbibigyan ng kanilang mata.

Ayon sa ulat ng Pep, isa si Boyet Fajardo, isang batikang designer na maswerteng pinagpala ng cornea transplant.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon kay Dra. Minguita Padilla, malaki ang naiambag ng showbiz sa kaalaman sa eye donation, na isinasagawa ilang oras lang matapos ng pagkamatay ng donor ng may official consent ng pamilya.

“Lahat tayo mamamatay, think about it. You can leave a legacy vision to somebody blind,” sabi pa ng doktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate