Evil daw? Simbahan, nagbigay babala sa pagsusuot ng nakakatakot na costume
- Nagbigay babala ang simbahan patungkol sa pagsusuot ng mga nakakatakot na costume ngayong Halloween
- Ayon sa isang pari ng simbahang katoliko, maaring isang paraan daw ito ng panlilinlang ng kampon ni satanas
- Mas mabuti raw na mga santo na lamang ang gayahin at nang malaman ang kwento ng kabutihan nila kung bakit sila naging santo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang pari ang nagbigay babala sa mga nagsusuot ng nakaktakot na Halloween costumes.
Sa panayam kay Quezon City Immaculate Conception Parish Priest Fr. Joel Saballa ng Radyo Veritas, pinaalalahanan niya ang mga nagsisipagsuot ng nakakatakot na costumes tuwing Halloween na maari raw na panlilinlang ito ng kampon ni Satanas sa atin.
Di raw natin namamalayan na ito ay simpleng paraan ng pag-atake ng kampon ng kadiliman.
Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN news, ang mahirap sa sitwasyon, tila natutuwa pa raw kasi ang mga magulang ng mga bata na suotan sila ng mga nakakatakot na costumes tuwing Halloween.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
“The problem is we have mothers who are so happy seeing their children looking like ghosts, looking like demons, but when their children turn out to behave like demons, they get angry…when their children grow up and have a demon-like attitude, they don’t want it,” ayon kay Fr. Joel.
Minungkahi rin ni Fr. Joel na mas mainam na ipakilala ang mga santo sa mga bata at maari rin naman nila itong gayahin bilang costume. Sa ganitong paraan, makikila pa raw ng ating mga anak ang buhay ng mga santo na minsan din namang naging tao.
Sa ganitong paraan din, mas lalo nating maituturo sa mga bata ang totoong ginugunita natin pag Nobyembre 1 at ito ay ang All Saints day.
Gaya na lamang ng isinagawa na "HolyWin, may the holy win against evil" sa isang simbahan sa Mandaluyong kng saan nagdamit na mga santo ang mga bata kaysa sa mga scary costumes.
Isinagawa ito sa pamamgitan ng isang misa at matapos nito, bibigyang parangal na ang best in costume.
Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.
Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh