Pababa pa ng hagdan! Babae, napaanak habang nakasuot pa ng pantalon

Pababa pa ng hagdan! Babae, napaanak habang nakasuot pa ng pantalon

- Di na nahintay pa ng ina ang emergency team at napaanak na ito kahit nakasuot pa ng pantalon

- Ang mahirap pa sa kanyang kalagayan, kinailangan pang ibaba ng hagdan ang mag-ina gayung nakalabas na ang bata

- Ninerbyos ang mga kapitbahay ng babae ngunit malugod na tumulong na maisalba ang buhay ng mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binalot ng tensyon ang Barangay 807 sa Quiapo, Maynila nang bigla na lamang mapaanak ang isang babae na nakasuot pa ng pantalon.

Ayon sa balita ng GMA news, di na raw nahintay ng ina ang emergency team ng barangay kahit pa agad itong rumesponde sa sitwasyon.

"Lumabas na 'yung ulo ng bata du'n sa kanyang pantalon so ang ginawa namin...siyempre lumabas na 'yung bata. To save the baby, pinahiga namin siya, tinanggal namin pantalon n'ya at biglang lumabas 'yung baby,” salasay ng Sekretarya ng barangay na si Jerry Concho.

Ang mas nagpahirap pa sa sitwasyon, kinailangan pang ibaba ng hagdan ng buntis na noon ay nakalabas na baby.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at kabado ang mga kabarangay ng babaeng napaanak, nagtulong tulong pa rin silang maibaba ng maayos at ligtas ang mag-ina.

"Iningatan namin 'yung baby. Binalot agad namin kasi hindi namin puwedeng putulin ang kanyang umbilical cord,” dagdag pa ni Sec. Jerry.

Agad din namang naibaba ang mag-ina at naisakay na sa ambulansya patungo sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Ligtas na ngayon at nagpapahinga ang mag-ina sa ospital.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel