Malapit na! Iza Calzado, sinamahan ng mga kaibigan para sa bridal shower sa Bali

Malapit na! Iza Calzado, sinamahan ng mga kaibigan para sa bridal shower sa Bali

- Malapit na nga ang kasal ni Iza Calzado, isang buwan na lang at ikakasal na siya ngayong Disyembre

- Dahil rito ay ginanap na ang kanyang bridal shower at ito ay nangyari lahat sa Bali, kamakailan lang

- Nagbahagi ng larawan ang It's Showtime host na si Karylle habang papasok sa eroplano na kasama rin si Sunshine Dizon at Divine Lee

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang buwan na nga at wedding na ng Kapamilya Ngayon at Kailanman actress na si Iza Calzado, at spotted ng KAMI ang iilan sa mga kuhang larawan sa latest update ng nalalapit niyang pag-iisang dibdib sa kanyang fiance na si Ben Wintle.

Sa December na nga ang kasal umano ni Iza at para sa kanyang bridal bash ay pinili raw ng actress ang Bali, Indonesia para ganipan ito.

Kahapon, October 31, lumipad ang Kapamilya actress kasama ang kaibigan na It's Showtime host na si Karylle at ang mister nito na si Yael Yuzon, Sunshine Dizon, Divine Lee, at iba pang close friends ng aktres.

Nagbahagi naman ng larawan si Karylle sa kanyang Instagram habang papasok na sila sa eroplano.

Ani pa nito sa kanyang caption:

"Our gurl @missizacalzado is soon to be Mrs. Wintle so we're gonna make sure she has a big bash before the big day! She is the girl everybody loves everywhere we go...i love you my izadooooory fish fajiza calza-i-dooooooio!! Salamat/Suksma #AirAsiaInBali #ChasingWonders for our wonderful bride-to-be #izawannadancewithsomebal"

Sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle ay ang mga orihinal na gumanap na Sang'gres sa Kapuso Primetime Fantaserye na Encantadia.

At ang ganda tingnan, na sa nakalipas ng taon pagkatapos ng show at nairemake na ay nanatili pa rin silang apat na magkakaibigan.

Pero makikita na wala si Diana Zubiri kaya hinanap ito ng ibang fans.

Ayon pa sa IG post ni Diana, nasa Bohol pala siya kasama ang gwapong mister.

Mukhang busy sa trabaho ang aktres, ani sa kanyang caption:

"After days of work. Nagising na lang ako dito sa napakagandang view ng @bellevueresort"

Pero sigurado naman na nandoon si Diana sa kasal ni Iza na gaganapin na ngayong Disyembre, at isang beach wedding raw ito, na kamakailan lang din ay aming ibinahagi rito

Spotted namin ang bridal shower news ni Iza Calzado sa PEP.

POPULAR: Read more news about Iza Calzado here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel