Magkaibigan lang naman! 6 Celebrity pairs na pinagkamalan umano na may relasyon

Magkaibigan lang naman! 6 Celebrity pairs na pinagkamalan umano na may relasyon

Minsan dahil sa sobrang close ng dalawang tao ay chinichika ito ng iba na may relasyon sa isa't isa.

At kalimitan ang mga artista ay isa sa pinaka nabibikitima sa ganitong mga chismis na mga maling akala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, heto raw ang mga kilalang artista na napagkamalang may relasyon dahil umano sa kanilang closeness.

Una naming naispatan ang listahan sa GMA News Online.

1. Alex Gonzaga and Kean Cipriano

Noong nasa TV5 sila ay naging magkaloveteam daw ang dalawa at talaga namang naging close pero hindi raw iyon naging seryoso.

Ngayon, parehong happy naman ang isa't isa sa kani-kanilang mga love life. Si Kean ay happily married na kay Chynna Ortaleza at mayroon na silang anak.

Si Alex Gonzaga naman ay nagcecelebrate ngayon ng anibersaryo ng kanyang boyfriend na isang businessman na si Mikee Morada.

2. Maja Salvador and John Lloyd Cruz

Dahil na rin umano sa closeness nina Maja at John Lloyd ay ilang ulit na rin sila naibalita na may relasyon pero pag-amin pa ng aktres sa panayam sa press people, kamakailan lang, ay parang kuya lang raw niya si Lloydie.

Napakagenerous pa raw nito, pag-amin pa niya sa naturang panayam, na amin ring naibahagi rito, kamakailan lang.

3. Piolo Pascual and Shaina Magdayao

Inamin naman ni Papa P sa PEP, na dati lumalabas raw sila pero noong May 31, sa isang press conference niya, sinabi raw ng Kapamilay aktor na hindi raw sila nagdidate na ni Shaina.

At mukhang lumalabas lang raw sila noon pa, ayon pa sa balita.

4. Kyline Alcantara and Jeric Gonzales

Nilink din umano sina Kapuso star Kyline Alcantara at Jeric Gonzales na dati ay napapanood sa Kambal, Karibal, at sumasama rin daw ito sa mga YouTube covers kaya daw napagkamalan sila na may relasyon.

5. Barbie Forteza and Derrick Monasterio

Dati raw ay inilink pala sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio pero magkaibigan lang talaga sila, ayon pa sa balita.

Ngayon, superr happy naman si Barbie sa boyfriend niya na dating kasamahan niya sa Meant To Be na si Jak Roberto.

1 year na raw sila.

6. Sanya Lopez and Rocco Naccino

Nalink rin dati sina Sanya Lopez at Rocco Naccino.

Naging close talaga raw sila sa isa't isa pero hindi sila naging mag-on dahil focus umano ni Sanya ay ang trabaho, diumano, ayon pa sa balita.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel