Aquino at ilang mambabatas, may babala sa “takeover” ng military sa Customs

Aquino at ilang mambabatas, may babala sa “takeover” ng military sa Customs

- May hinaing ang ilang mambabatas sa nais ni Pangulong Duterte na ang Philippine military muna ang mamamahala sa Customs

- Giit ng mga mambabatas ay taliwas daw ito sa Constitution

- Depensa naman ng Palasyo ay wala raw “takeover” na magaganap, pang-intimidate lang daw ito sa mga taga-Customs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at sa ibang mambabatas tulad nila Senador Panfilo Lacson at Albay Rep. Edcel Lagman ay taliwas daw sa Constitution at hindi gagana ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang military ang mag-take over sa Bureau of Customs.

Nalaman ng KAMI na base sa Article 16, Section 4 ng 1987 Philippine Constitution, hindi pwede ang sinumang miyembro ng Armed Forces of the Philippines na maitalaga sa anumang civilian na posisyon sa gobyerno.

“No member of the armed forces in the active service shall, at any time, be appointed or designated in any capacity to a civilian position in the government including government-owned or controlled corporations or any of their subsidiaries.”

Giit ni Aquino, hindi na raw dapat iintrepret pa ang batas dahil malinaw na ito. Nagkomento rin siya sa mga taong posibleng ma-assign sa Customs base sa report ng Philippine Star.

“Naaawa ako sa mga taong matatalaga doon na merong obligasyon, na hindi maliwanag kung meron ba siyang kapangyarihan,” aniya.

Para naman kay Sen. Lacson, maaaring magsagawa na lang ng “good counter-intelligence” upang malabanan ang korupsyon sa Customs. Dagdag niya pa na noong 1960’s daw ay hindi gumana ang paggamit sa militar sa pagpuksa ng problema noon dahil gumagamit daw ng mga kababaihan ang mga smugglers upang makalusot ang mga illegal na droga sa bansa.

Samantala, naiulat nga ng ABS-CBN News na ayon sa Palasyo ay wala raw ‘military takeover’. Gagamitin lang daw ang mga sundalo upang “i-intimidate” ang mga kurakot sa Customs.

“The President is not appointing or designating any member of the armed forces,” giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“These people will be there first to make their presence felt and hopefully intimidate those corrupt people there,” dagdag niya pa.

Naiulat nga ng KAMI noon na inanunsyo ni Pangulong Duterte na ang military muna ang mangunguna sa mga operasyon ng Customs para matapos ang korupsyon sa ahensya. Giit niya pa, nasa “floating status” daw ang mga tauhan ng Customs.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel