Embalsamador, may nakapangingilabot daw na karanasan sa trabaho

Embalsamador, may nakapangingilabot daw na karanasan sa trabaho

-Parehong licensed embalmer ang magkapatid na Irish at Wil-ian Tajuna at ayon sa kanila ay nakaranas din sila ng mga nakakakilabot na ganap sa trabaho

-Para sa iba, nakakatakot ang ganitong trabaho kung kaya nakaragdag pa ito sa kilabot ng kanilang kwento

-Ngunit sa kabila nito, masaya naman daw sila na naihahatid nila ng maayos ang kanilang mga inaayusan sa huling hantungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa magkapatid na Irish at Wil-ian Tajuna, nakararanas din sila ng mga nakakakilabot na pangyayari sa kanilang trabaho.

Ang magkapatid kasi na Tajuna, parehong licensed embalmer at minana pa sa kanilang ama ang kanilang trabaho.

"Nilatag ko lahat ng makeup, unti-unti siyang nawawala. Tapos may mga sound, may mga ganiyan, or minsan may mararamdaman ka pa na talagang maggu-goosebumps ka," ayon sa kwento ni Irish.

Para sa marami, nakakikilabot na ang kanilang trabaho ngunit paano pa kaya sa kanila na nakaranas din ng 'di pangkaraniwan?

Ngunit sa kabila nito, masaya naman daw silang dalawa na naihahatid nila sa huling hantungan ang mga yumao na maayos.

Para kay Wil-ian, "Tinuturing naming pamilya lahat ng nabibigyan namin ng serbisyo."

Ngunit paano nga ba nila inihahanda ang bawat yumao?

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Kailangan siyempre nakasuot 'yung personal protective equipment mo," ani Wil-ian.

"Lilinisan mo, paliliguan mo, idi-disinfect mo bago ka mag-proceed doon sa embalming process. Kung normal or walang gaanong ibang klaseng pagkamatay, four to five hours," ayon kay Irish.

Hindi raw biro ang paghahanda sa isang bangkay bago iburol.

Ipinagmamalaki nila ang kanilang napiling propesyon kahit pa para sa iba ay hindi ito pangkaraniwan at nababalot pa ng kilabot.

"Para sa akin, siyempre pagka ganoon, kahit anong trabaho naman na ma-appreciate, du'n mo mari-realize na bakit nga kailangan ng embalmer," ani Irish.

Source: GMA News

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga

Lalaking nawala sa sarili, hinihinalang dahil sa droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel