Sosyalin talaga! Mommy Pinty at Daddy Bonoy nina Toni at Alex Gonzaga, nagdate sa Amsterdam

Sosyalin talaga! Mommy Pinty at Daddy Bonoy nina Toni at Alex Gonzaga, nagdate sa Amsterdam

- Ilang araw na din tila nag Europe tour ang Gonzaga family na pinamumunuan ng haligi at ilaw ng tahanan na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy

- Marami na ring mga posts ang binahagi ang magsissums na sina Toni at Alex Gonzaga sa naturang trip nila

- Tila inisa na nila ang birthday treats kay Direk Paul Soriano na nagbirthday noong October 17, at mommy Pinty ngayong November 1, ayon sa naispatan naming balita

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang trendig na naman na picture ng mga bagong internet sensation na sina mommy Pinty at daddy Bonoy, na ipinost ng kanilang bunsong anak na si Alex Gonzaga sa Instagram.

Talaga namang mga internet sensation na ang dalawa dahil isang araw lang pagpost ay umabot na ng mahigit 200k ang likes ng naturang picture at marami na ring mga komento.

Nilagyan pa ni Alex ng kwelang caption.

"Ang lalandi!! may apo na kayo!! "

Hindi na rin mapigilan ng mga netizens na magreact sa post ni Alex.

"Relationship goals talaga to sila Mommy Pinty at Daddy Bonoy eh"
"Hahaha..natatawa ako sa caption mo Alex.."
"Mommy Pinty same lang tayo kinikilig pa rin kahit sa tagal ng panahon"
" Good vibes sila te Neng noh?! Ako din super tawa.Mommy Pinty is the real internet sensation."
"Primo and George lang ang peg @cathygonzaga #The How's OfUs"
"Nakkk lovebirds in Netherlands."
"Yan Ang nagpapatunay na ka sweetan na walang kupas kahit my apo na Ang magulang mo"
"I believe in forever... .. perfect couple..."
"Ganda ni mommy pinty pero si dad talaga! Kudos sa mga lalaking loyal hanggang sa pagtanda!"
"Walang bawal sa nag ka edad ang ma inlove"

Tila nag Europe tour nga ang Gonzaga family kasama pa siyempre ang Ultimate Heartthrob Director, at husband ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano at ang "so happy" internet sensation na rin na celebrity baby nila na si Seve.

Kasama rin ang isa pang internet sensation na si uncle Jojo.

Bago pumunta sa Netherlands, galing muna sila France na ibinahagi namin rito ang sosyaling tip nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel