Babaeng nam-bully sa matabang asawa ng dating kaklase, nawalan ng trabaho

Babaeng nam-bully sa matabang asawa ng dating kaklase, nawalan ng trabaho

-Agad na kinarma ang isang babae na umano'y nanlait sa isang matabang babae

-Ayon kay Mister, dahil sa komplikasyon sa panganganak kung kaya tumaba ang kanyang Misis

-Sa isang reunion, kung saan niya isinama ang kanyang asawa nakaranas ito ng panghuhusga sa mga dating kaklase ngunit 'di nila inaasahan ang nagyari sumunod nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sabi nga nila, digital na si 'karma'. Katulad ng nangyari sa isang babae matapos nitong husgahan ang isang babae na 'hindi sexy'.

Ayon sa kwento ng asawa ng babae, dahil sa mga komplikasyon sa panganganak, kinailangang sumailalim sa gamutan ang kanyang asawa na ang side effects ay ang pagtaba.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nawala ang kanyang pagmamahal sa asawang minahal niya simula pa noon. Ayon sa kwento nito, kahit pa marami ang nagkakagusto sa kanya noon, isa lang ang babaeng minahal niya na kalauna'y naging asawa na niya.

Nang magkaroon sila ng reunion ng mga dating kaklase, isinama niya ang asawa. Nang ipakilala pa lang daw niya ang Misis ay nakaririnig na siya ng mahinang pagtawa at bulungan.

Bagaman alam niyang nasasaktan ang asawa, hindi daw nito iyon ipinapakita. Hanggang sa isang babae ang bigla na lamang lumapit sa kanila.

“Hi, old friend! Haven’t seen you for years. Good for you. It looks like you are married to a ‘very beautiful lady!’” sabi ng babae atsaka tumawa ng sarkastiko.

Ang babaeng ito pala ay dating nagkagusto sa kanya.

Bagaman nasaktan, hindi pa rin ipinakita ng kanyang asawa ang sakit. Maya-maya'y ngumiti umano ito ng misteryoso at tsaka biglang may tinawagan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang sumunod na pangyayari ang nagpagulat sa lahat, hindi pa man natatapos ang gabi ay umiiyak na ang babae sapagkat tinanggal daw ito sa trabaho.

Nang makauwi na sila, nalaman na lamang niya na ang totoong dahilan.

Inamin ng kanyang Misis na nasaktan siya sa ginawa ng babae sa kanya ngunit kaya niya itong palagpasin.

Ngunit nakita umano nito na sa kompanya ng ama nito nagta-trabaho ang babae, kung saan siya nagta-trabaho bilang executive.

At hindi daw hahayaan ng kanyang ama nito na may isang taong walang manners ang magre-representa sa kanyang kompanya, kung kaya agad na tinanggal ito sa trabaho.

Source: Buzzooks, Readers Portal Today

Babaeng nam-bully sa matabang asawa ng kaklase, nawalan ng trabaho

Photo source: Readers Portal Today

Scary Nun Prank Part 2 is already on HumanMeter! Many of you had asked us to shoot the nun prank part 2– and we did it! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon

Dating OFW sa UAE, kauna-unahang Pilipinong pulis doon ngayon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel