Na miss niya si Romeo! Rico J. Puno may hiniling kay John Lloyd Cruz bago mamatay

Na miss niya si Romeo! Rico J. Puno may hiniling kay John Lloyd Cruz bago mamatay

- Ilang araw bago pumanaw ay nakapanayam pa ng press people si Rico J. Puno

- Isa nga sa naitanong sa kanya ay ang kanyang reaksiyon sa napapadalas ngayon ang pagpapakita sa publiko ni John Lloyd Cruz

- Nagkasama sila bilang mag-ama sa sit-com na Home Sweetie Home

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang malungkot na balita tungkol sa pagkawala ni Rico J. Puno, maraming tao ang nanghinayang at nalungkot. Palatandaan lamang na isang taong marunong makisama ang namayapang singer.

Bilang pagbibigay pugay ay may mga kasamahan siya sa trabaho na nagbahagi ng kanilang pinaka hindi makakalimutan kay Rico. Kahit mga press people ay ganoon din.

Ibinahagi ng Bandera ang kanilang huling panayam sa singer/actor. Ilang araw bago siya namatay ay nagkaroon sila ng press conference para sana sa kanyang concert kasama sina Marissa at Giselle Sanchez.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa presscon ng nakatakdang concert sana niya sa Nov. 17, ang “Music And Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko”, napag-usapan namin ang aktor na si John Lloyd Cruz na napapadalas ngayon ang pagpapakita sa publiko.

Naitanong sa kanya kung ano ang kanyang reaksiyon sa piniling buhay ni John Lloydd Cruz, ang gumaganap bilang kanyang anak sa sitcom na Home Sweetie Home.

“Wala na siyang communication kahit kanino sa show namin. May texting group kasi kami. We tried texting him kung kumusta na ba siya? Kung kelan siya babalik sa show? Wala siyang response sa akin or kay Direk Bobot (Mortiz). Kahit sa ibang may kinalaman sa show, wala nang kinakausap si John Lloyd,” saad ng singer.

Ayon pa kay Rico ay hindi niya masisisi ang aktor kung bakit mas napili niya ang simpleng pamumuhay at iwan ang makinang na mundo ng showbiz.

“Naranasan ko na rin noon ang ganyan. Sometimes you need a break din. Saka may sariling pamilya na siya, may anak na sila ni Ellen Adarna. So siguro nga, masaya na siya sa ganoong buhay,” dagdag pa niya.

Hiling lamang diumano niya ay huwag sanang bitawan ng aktor ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.

“Kaming mga naging kaibigan niya, lalo na ako kasi naging very close ako sa kanya, hindi niya sana kami binibitawan. Nandito naman kami para suportahan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya.

“We’re not here to judge him for his actions kasi mga kaibigan niya kami. Kung ano ang nangyayari kay John Lloyd ngayon, we only wish him happiness,” saad niya.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel