Bus na may pa-videoke sa loob, libre sakay sa pasaherong 100 ang score

Bus na may pa-videoke sa loob, libre sakay sa pasaherong 100 ang score

- Isang bus sa Cebu ang may pa-videoke sa biyahe at libre ang sakay ng makaka-100 ang score

- Biyahe papuntang Sibonga town proper ang bus na patok sa mga pasahero

- Marami ang nais na makasakay ng ganitong klaseng bus na bukod sa nakakaaliw at tanggal inip, maari ka pang malibre ng pamasahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang bus na mayroon pa-videoke sa loob. Bumibiyahe ito patungong bayan ng Sibonga sa Cebu.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, di lamang daw ito pangtanggal inip sa biyahe, ginawa na rin nila itong contest.

Ang sinoman na makakakuha ng score na 100, ay malilibre na sa pamasahe. Kaya naman bukod sa nakakaaliw mong biyahe, maari ka pang maka-menos sa gastos pag nakalibre sa pasahe.

Patok na patok ang gimik ng bus at talagang may kumakagat sa kantahan sa pagbabakasakaling makakuha sila ng 100 at magkaroon ng free ride.

Samantala, ang ilang netizens naman ay nagnanais na makasakay sa bus na ito at nagnanais na magkaroon din ng ganitong gimik sa mga bus sa kanilang lugar. Habang ang ilang pasahero naman ay tila di nasiyahan sa ganitong konsepto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana lahat ng bus may ganito diba? hahaha"
"Bet ko to"
"Yung gusto mo ng tahimik na biyahe pauwi ng Sibonga, tapos naisipan pa nila na maglagay ng karaoke sa bus? Inis na inis ka na nga sa mga maiingay na pasaherong nagkukwentuhan o kaya eh may kausap sa telepono, tapos ganito pa???"
"Dilikado yan pag na bangga madami nangyari sa korea dati kaya bawal na"
"panalo 'to di nakakaantok sa byahe"
"Sana all"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel