Bongga! Anne Curtis, mayroon ng 10 million followers sa Instagram

Bongga! Anne Curtis, mayroon ng 10 million followers sa Instagram

- Nangunguna pa rin ang It's Showtime host na si Anne Curtis sa most followed Pinay celebs sa showbiz, ayon na rin sa total number of followers as of today, October 31, 2018

- Kamakailan lang ay sinilip namin ang top 14 sa mga most followed celebrities sa Instagram, at una pa rin si Anne at mas dumami pa ang kanyang followers ngayon

- Umabot na nga sa 10 million ang followers ng aktres at TV host sa kanyang IG at siya lang naman daw ang most followed celebrity sa bansa

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted nga ng KAMI ang mga most followed Pinay celebrities sa showbiz industry at ang nangunguna pa rin ay walang iba kung hindi ang It's Showtime host na si Anne Curtis.

Kahapon, October 30, 2018, nasa 9.9 million pa lang ang kanyang followers pero ngayon, October 31, 2018, naging 10 million na ito.

Talaga namang it's a treat para sa trick or treat Halloween party ni Anne dahil siya lang ang celebrity na umabot sa ganyan karami na followers.

At pinag-usapan naman talaga ang kanyang Halloween costume na kanyang pinakalatest na post sa kanyang verified IG account.

Nagcaption pa ito ng:

"So what if I’m crazy? The best people are. - Harley Quinn. Happy Halloween and HAPPY 10 MILLION Instagram family! LOVE YA MY PUDDIN’S! #10milliANNE"

Bumuhos naman ang likes at maraming comments sa naturang post.

Sa ngayon, mayroon na itong halos 300k na likes.

Winner na winner naman talaga si Anne sa rami ng followers niya, at sa pagiging top 1 most followed celebrity for years now.

Lalo na ngayon at umabot na siya ng 10 million.

Naispatan rin namin ang balita mula sa Push, at kamakailan lang ay ibinahagi namin ang top 14 sa most followed Pinay celebs sa IG.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel