Tama na, sobra na! Jacky, pinalayas na si Ace sa Halik

Tama na, sobra na! Jacky, pinalayas na si Ace sa Halik

- Sa huling episode ng Kapamilya hit TV show na Halik ay pinalayas na ni Jacky si Ace sa kanilang pamamahay

- Lalo na ngang umiinit ang mga tagpo ng nasabing teleserye dahil na rin sa mga pagtataksil nina Jade at Ace, kaya naman sumabog sa galit sina Lino at Jacky

- At hindi na nga natiis ng huli ang pagtataksil ng mister na si Ace kay nagdesisyon si Jacky na palayasan na ang asawa sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ika nga ng napakasikat na kasabihan, "Hell hath no fury like a woman scorned," at ito na nga'y pinatikim ni Jacky, na ginagampanan ni Yen Santos, kay Ace, na ginagampanan naman ni Sam Milby.

Naispatan nga ng KAMI ang mainit na tagpo ng mga eksena sa Halik ang isa sa pinakasikat na teleserye ng Kapamilya network na pinagbibidahan nina Jericho Rosales bilang Lino, Sam Milby bilang Ace, Yen Santos bilang Jacky, at Yam Concepcion bilang Jade.

Pagkatapos mabugbog ni Lino sa inis at galit si Ace sa pagkahuli nito na nakikipaghalikan sa kanyang misis na si Jade.

Sumabog sa galit ang mister, at ngayon, si Jacky naman ang sumabog sa galit sa pagtataksil ng mister.

Bumuhos ang emosyon ng isang asawang sobrang nasaktan sa mister na nagtaksil ang nangyari, at bumuhos rin ang mga reaksyon ng mga televiewers sa naturang eksena.

"Galing-galing ni Yen."
"'Gandang lalaki. Pero sadly, walang balls.' That line tho."
"Sinong gustong sampalin ang nanay ni Ace dito. Nakakaloka"
"Grabeee! Napakagaling ni Yen! I’m so proud of how she has grown in this industry. Who would have thought na from PBB days, kahit hindi winner, she has become one of the most brilliant actresses."
"Kabwiset yung ganitong nanay ! Konsintidora !"
"Go Jacky! Ilabas mo si Lily Cruz dyan sa katawan mo. Tingnan natin kung di manginig sa takot si Ace. Si Julio Ardiente nga tiklop kay Lily eh hahaha"
"Ganyan dapat, pag winalanghiya ka ng asawa mo, paalisin mo, iwan mo, palayain mo, hayaan mo syang magpakasasa sa buhay na pinili nya. Bakit mo ibababa ang sarili mo at itatrato na ikaw ang basura dahil lang sa asawa, partner."
"Palaban na si Jacky! Next move...kalbuhin si Jade na saksakan ng harot! Haha."
"Nakakainis sa sobrang galing si Yen Santos! "

Una naming naispatan ang latest episode ng Halik mula sa ABS-CBN News.

Kamakailan nga ay nahuli na ni Lino, Jericho Rosales, sina Jade, Yam Concepcion, at Ace, Sam Milby, na naghalikan.

Grabe na talaga ang hatak sa mga manonood ang Halik hanggang marami ng nakakawindang na mga memes ang ginawa tungkol dito.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel