Ilang dosenang katao ang natabunan sa landslide dahil sa hagupit ni Rosita

Ilang dosenang katao ang natabunan sa landslide dahil sa hagupit ni Rosita

- Gumuho ang buildings ng DPWH sa Mt. Province, Martes ng gabi

- Nagdala naman ito ng mapaminsalang landslide doon

- Dose-dosenang katao ang naitalang natabunan at lima raw ang namatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos tatlong dosenang katao ang natabunan ng landslide matapos gumuho ang tatlong building ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mt. Province, Martes ng gabi, base sa report ng CNN Philippines. Ang insidente ay dala na rin ng hagupit ni Bagyong Rosita sa Luzon.

Nalaman ng KAMI na apat na bata at isang lalaki ang naitalang patay sa insidente ayon sa report ng ABS-CBN News. Ayon kay Ruben Carandang, regional disaster management chief, halos 31 na katao ang nasa loob ng building. Hindi raw ito evacuation center subalit doon namalagi pansamantala ang mga tao.

May namataang landslide rin sa Banaue kung saan tatlong bata at isang tatay naman ang naitalang namayapa. Gayundin sa Kalinga kung saan isang 5-year-old na bata ang pumanaw dahil nga sa landslide.

Samantala, nauna na ngang ibinalita ng KAMI ang hagupit ni Bagyong Rosita sa northern at central Luzon. Makikita nga sa mga videos ang lakas ng hangin at ulan na dala ng bagyo. Naibalita rin ng KAMI na ilang probinsya ang nagsuspinde ng klase para ngayong Oktubre 31.

Stray Kids My Pace - Dance In Public: KPop Zero Budget – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel