Kakilabot! Kaluluwa di umano ng pumanaw na pulis, nahagip sa cctv

Kakilabot! Kaluluwa di umano ng pumanaw na pulis, nahagip sa cctv

- Nahagip daw sa cctv ang kaluluwa di umano ng isang pulis

- Isang animo'y usok ang tila kaswal na "naglalakad" ang nasapul ng video

- Ayon sa asawa ng hininalang naggagalang kaluluwa, mahal na mahal daw ng kanyang mister ang trabaho nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasapul di umano ng cctv ang mistulang anino na kaswal na naglalakad sa isang police station Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pinaniniwalaan itong si Ricardo Alvaro, isang retiradong pulis na sumakabilang buhay na.

Nang mapanood daw ito ng misis ni Ricardo na si Beth Alvaro, malakas ang kutob niyang kaluluwa ng kanyang mister ang nahagip ng cctv.

Kinilabutan daw siya at tila alam niyang asawa niya ito. Sa kwento ni Beth, pangarap daw ng kanyang mister ang maging pulis.

Kaya naman nang maisakatuparan ito, dedikado at determinado ang kanyang mister. Masinop daw ito sa kanyang gamit pampulis, mapa-uniporme, baril at police mobile.

Dahil daw sa propesyon na ito, naitaguyod ni Ricardo ang kanyang pamilya at napagtapos ang apat niyang mga anak.

Nang magretiro ito sa edad lamang na 55, pinilit siya ng kanyang pamilya na manatili na lamang sa bahay upang sa ganun ay makapahinga na lamang ito.

Ngunit, tila di naging maganda ang epekto nito kay Ricardo na nawalan na ng sigla at madalas na lamang nasa kwarto.

Nanumbalik lamang daw ang sigla ni Ricardo nang umuwi ang isa nilang anak mula ibang bansa. Katunayan, siya pa raw ang nagluto ng ulam nang araw na iyon ngunit di na ito nakakin dahil saumakit ang batok nito at mas pinili na lamang na magpahinga.

Sa araw din na iyon, Oktubre 12, 2016, natagpuan na lamang nila ang katawan ng padre-de-pamilya na wala nang buhay at kulay lila na.

Dalwang taon ang lumipas nang mag-viral ang cctv footage nang "anino" na nahagip nito, at ito ay sa istasyon ng pulisya kung saan noon nakatalaga si Ricardo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Mahal na mahal niya 'yong mobile patrol na iyon," Kwento ni Beth.

"Kala mo nga po tao talaga eh, Talagang lumalakad po siya, hugis tao po talaga," ani Police Officer 3 Michael Pineda.

Dahil dito, minabuti nang programang Rated K na humingi na ng tulong sa mga spirit questors upang makumpirma ang mga kakaibang pangyayari na ito.

Natuklasan ng mga paranormal investigators na sina Nick Nañgit at Jericho Ibañez na malaki ang posibilidad na di pa nakatatawid sa kabilang buhay si Ricardo. Di raw nito matanggap na pumanaw na siya.

Kinumpirma rin ng mga spirit experts na ito na si Ricardo nga ang nahagip ng cctv at doon daw talaga ito madalas "tumambay".

"Doon ko nakikita sa in front ng CCTV, nandoon siya... When I asked kung siya ba 'yong nandoon sa CCTV, the answer is also, 'yes,'" pahayag ni Nick.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel