Maja Salvador, may rebelasyon tungkol sa 7 mga close niyang Kapamilya actors

Maja Salvador, may rebelasyon tungkol sa 7 mga close niyang Kapamilya actors

Sa kagandahan, kakwelahan, galing sa pagsayaw at pag-arte, hindi nakakagulat na marami talagang mga Kapamilya actors na nahumaling kay Maja Salvador.

Dahil dito, iilan na ring mga lalaki ang nalink sa kanya at ang ilan sa kanila ay naging boyfriend niya diumano at ang iba naman ay mga nililink sa kanya, ayon pa sa mga bali-balita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang panayam ng magaling na aktres na si Maja Salvador, kamakailan lang, na kung saan ay ibinanggit niya ang pito(7) sa mga kilalang Kapamilya actors na naging karelasyon niya at ang iba naman ay nalink sa kanya.

Si Maja ang naging headliner ng PEP, kamakailan lang, at dito ay tinanong siya sa pitong lalaki na nakatrabaho na rin niya sa Kapamilya shows at ang iba ay naging boyfriend niya at ang iba naman ay nailink sa kanya.

At isiniwalat rin niya ang mga bagay na ibinigay ng mga ito sa kanya.

1. Matteo Guidicelli

Inalala daw ni Maja ang kanyang dating relasyon kay Matteo Guidicelli na tumagral raw ng dalawang taon.

Tinanong siya:

"Ano bang pinaka-bonggang ginawa ni Matteo?"

Sinagot naman ng aktres ng:

"Siguro yung Post Its. May kasalanan siya, 'tapos yung buong room ko pinuno niya ng Post Its. Ginaya niya si John Lloyd sa My Amnesia Girl."

Maaalala na sa box office film nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na My Amnesia Girl, noong 2010, ang karakter ni John Lloyd na si Apollo ay pinuno ang kwarto ni Irene, ang karakter naman na ginampanan ni Toni, ng Post Its para maihayag ang kanyang pag-ibig.

Nakangiting dugtong pa ni Maja:

"Napanood niya, 'tapos ginaya niya. Maa-appreciate mo kasi buong room naka-cover ng Post Its. Kaya ang feeling ko nun, ako si Toni Gonzaga."

2. Carlo Aquino

Magiging always grateful daw si Maja Salvador kay Carlo Aquino dahil nandoon raw ang aktor sa pinakahirap na oras sa buhay niya.

Ani ng aktres:

"Si Carlo ang nandiyan nung namatay ang daddy ko. Panahon niya yun."

3. Gerald Anderson

Naging mag-on umano sina Gerald at Maja ng dalawang taon mula noong 2013 hanggang sa 2015.

Tungkol naman sa naibigay ni Gerald sa kanya, ani nito:

"Nakasakay na ako ng eroplano pero hindi pa ako nakasakay ng chopper noon. Valentine's Day nun. Sabi niya, mayroon kaming lunch."

4. John Lloyd Cruz

Naging leading man si John Lloyd Cruz kina Bea Alonzo at Maja Salvador sa 2007 film nilang One More Chance.

Paglilinaw ni Maja:

"Si Lloydie, hindi ko man siya dyowa, pero ang tawag ko sa kanya Tatay. Siya yung kapatid ko na sana kapatid ko talaga. Siguro hindi ako ganito ka-inspired sa trabaho ko kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko siguro napahalagahan ang trabaho ko kung hindi dahil sa experience niya, sa mga kuwento niya."

Nang tinanong siya tungkol sa ano ang ginawa o binigay ni John Lloyd sa kanya, ani niya sosyal daw si John Lloyd at kritiko umano.

Dahil hindi raw mahilig si Maja sa relo, at hindi nagustuhan ni Lloydie ang relo niya, may bonggang Cartier watch limited edition raw ang huli sa kanya.

Pabiro pa raw na sinabi ng aktres:

"Kaya kung anong meron ang mga dyowa niya, meron din ako! At mas bongga pa!"

Generous naman talaga daw si John Lloyd.

5. John Prats

Crush raw dati ni Maja Salvador si John Prats dati noong bagets-bagets pa raw sila at nanatiling crush lang daw ito sa kanya.

6. Coco Martin

Naging isang leading lady din si Maja Salvador sa FPJ's Ang Probinsyano.

At isiniwalat ni Maja na noong nagconcert raw siya sa MOA Arena nagpadala daw si Coco Martin ng sobrang tangkad na bulaklak.

Ani pa niya:

"Kasi kahit anong hingi ko ng regalo sa kanya, hindi niya ako binibigyan! Napakayaman, pero hindi ako binibigyan. Birthday ko, Christmas, wala. Kahit love letter wala.Ang explanation niya, kaya niya ako hindi nireregaluhan, kasi gusto pa niya ako makatrabaho."

Napaisip na lang daw siya na biruan ang aktor at sabihan sana ng:

"So, lahat ng binigyan mo ng regalo, ayaw mo na katrabaho?"

7. Piolo Pascual

Palagi naman daw nakakatravel ni Maja si Piolo abroad para sa ASAP.

Ani pa ng aktres:

"Si Papa P, every time na out of the country, hindi ka niya pagbabayarin sa kainan. Kunyari, lalabas sa gabi, siya [magbabayad]. Bawal ka maglabas [ng pera]. Kulang na lang, hindi na ako magdadala ng bag pag aalis kami. Hindi lang sa akin, sa lahat ng kaibigan niya."

Pagtatapos pa niya:

"Kung sa regalo, I'm happy sa love na binibigay niya. Wala mang regalo na material, bilangin niyo lahat ng concert ko, nandun siya."

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel