Gulong ng buhay, 8 Pinoy celebrities na lumisan sa 2018

Gulong ng buhay, 8 Pinoy celebrities na lumisan sa 2018

Marami ang nabigla at nagluluksa sa pagkawala ng isa sa mga haligi sa Original Pilipino Music o OPM, kahapon October 30.

Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati, at higit sa lahat, marami rin ang nagbigay pugay sa mga maraming naambag at naibigay ng isa sa magaling na mang-aawit ng musikang Pilipino.

Sa kanyang paglisan ay dala-dala ng kanyang mga tagahanga at lahat ng nagmamahal sa kanya ang saya at ang kanyang mga magagandang kanta at musika na ibinahagi niya sa lahat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, sa pagbibigay pugay sa kanya, muling binalikan ng KAMI ang iba pang mga kilalang mga batikan at beteranong mga Pinoy celebrities sa mundo ng showbiz, fashion, at sa sining, na pumanaw na rin sa taong ito.

1. Spanky Manikan - March 22, 1942 - January 4, 2018

Ayon pa sa balita ng ABS-CBN News, isang text message raw ang ipinadala ng asawa ni Spanky Manikan na si Susan Africa noong January 14, na nagsasabi na pumanaw na nga ang kanyang mister, matapos nakipaglaban umano sa sakit na lung cancer.

2. Pitoy Moreno - Passed on January 15, 2018

Ang kilalang fashion designer na si Pitoy Moreno ay namaalam rin noong January 15, 2018, ayon pa sa balita ng Manila Bulletin.

Ayon sa balita ng Rappler, kahit tila ang alam ng lahat ay taong 1930, pinanganak ang yumaong fashion designer ay sinabi umano ng kanyang apo na si John Paul Cruz, na pumanaw raw ito sa edad na 92 imbis na 87.

3. Maryo J. de los Reyes - October 17, 1952-January 27, 2018

Marami rin ang nagulat nang mabalitaan ang pagpanaw ng batikang direktor at bumuhos nga maraming tweets galing sa mga artista na nakikiramay at nagpupugay sa yumaong direktor.

Heart attack raw ang dahilan ng di inaasahang paglisan ng "one of the greatest directors" umano sa showbiz.

4. Napoleon Abueva - January 26, 1930-February 16, 2018

Ang tinaguriang Philippines' National Artist for Sculpture at Father of Modern Philippine Sculpture, at kalaunan ay ginawaran ng National Artist award para sa visual arts na si Napoleon Abueva ay namaalam rin sa edad na 88 years old.

5. Rolly Quizon Passed on March 15, 2018

Ayon pa sa balita ng ABS-CBN News, pagkatapos raw mastroke noong March 9 ay nagcoma umano ito at tuluyang namaalam sa edad na 59 years old.

Naispatan naman ng PEP, ang screenshot sa mensahe ni Cherie Gil sa yumaong dating aktor, na isa sa mga anak ni Dolphy, na kanyang "first love."

6. Bernardo Bernardo - January 28, 1945 - March 8, 2018

Nagbigay rin ng kanyang tribute ang international music superstar na si Lea Salonga sa pagpanaw ng tinawag niyang Tito Bernie.

73 years old ang edad ni Bernardo Bernardo na kilala ng husto sa kanyang role sa Kapamilya show na Home Along Da Riles.

7. Mely Tagasa - April 16, 1935 - March 24, 2018

Maraming mga fans ng Iskul Bukol ang nalungkot sa pamamaalam ni Miss Tapia noong March 24 sa edad na 82.

8. Rico J. Puno - February 13, 1953 - October 30, 2018

At nagulantang ang buong bayan ng malaman ang balita kahapon ang paglisan ni Rico J. Puno sa edad na 65 years old.

Ibinahagi namin ang malungkot na balitang pagpanaw ng batikang mang-aawit kahapon ng maaga.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel