Super yaman talaga! 9 Mansyon na pagmamay-ari raw nina Manny at Jinkee Pacquiao

Super yaman talaga! 9 Mansyon na pagmamay-ari raw nina Manny at Jinkee Pacquiao

Kamakailan lang ay ibinalita ang bagong mansyon na binili ni Boxing Champ Senator Manny Pacquiao at misis nito na si Jinkee.

Isa nga ang celebrity couple na sina Manny at Jinkee Pacquiao sa most followed at most searched, ika nga, sa maraming celeb at showbiz couples sa bansa dahil na rin sa magandang istorya ng buhay nila tungkol sa paghihirap at tagumpay.

Nakakainspire naman talaga, na malaman na ang dating fish vendor, panadero, sorbetero, at kung anu-ano pang uri ng trabaho dati na diumano'y pinasukan ni Manny para kumita ay isa na ngayong bilyonaryo at kilala hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

At ang mas maganda pa tungkol kay Manny ay ang hindi pagkalimut na ibahagi ang kanyang blessings sa mga nangangailangang mga kababayan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman sinilip ng KAMI ang sinasabing 9 na mansyon na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na athleta sa sports world sa buong mundo na si Manny Pacquiao.

1. Beverly Hills Mansion

Noong 2015, naibalita na binili umano ni Manny Pacquiao ang mansyon na nakatayosa 10,000 square-foot na lawak, na nasa loob ng exclusive, gated community sa halagang $12.5 million, ayon pa sa Business Insider.

Binigyan pa raw niya ng 4 tickets, na may presyong $7,500 ang isa, sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr., ang nagbebenta ng naturang property sa kanya, saad naman sa ulat umano ni Martin Rogers ng USA Today.

Pero ayon naman sa balita ng The Real Deal, hindi raw itinuloy ni Pacman ang pagbili sa dating bahay ng sikat na rapper na si Sean “Diddy” Combs.

2. Los-Angeles 2-Story Home

Na-ifeature rin dati sa MTV Crib ang bahay nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Los-Angeles na talaga namang ang ganda rin.

Tinour pa ni Pacman ang crew ng naturang music channel show sa magarbong bahay niya.

3. General Santos White House

4. First Mansion in GenSan

Last year, ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang ilang mga pictures sa unang mansyon nila sa Gen San sa Lagao Village, nang binisita nila uli ito ni Manny.

Ito ang una nilang bahay umano bago pa ang sinasabing white house.

5. Sarangani Beach House

6. Forbes Park

7. Dasmariñas Village, Makati City

Ito ang isa sa pinakahuling mansyon na binili nina Manny at Jinkee Pacquiao, ayon na rin sa naturang video at sa mga Instagram posts ng huli.

8. Laguna

9. Under Construction

At last year, pinasilip rin tayo nina Manny at Jinkee Pacquiao sa bagong bahay na pinapatayo nila.

Hindi naman inilagay ni Jinkee kung saan ang lokasyon nito at wala rin sa balita.

Pero isa lang ang sigurado, ang yaman yaman na talaga ni Pacman.

Una naming naispatan ang mga mansyon ni Manny at Jinkee Pacquiao sa GMA News Online.

Gayunpaman, hindi nakakalimut si Manny Pacquiao na ibahagi ang kanyang yaman sa mga kapuso palad nating mga kababayan.

Nagbigay nga siya ng 1000 houses sa kanyang mga kababayan, na ibinahagi rin namin dito kamakailan lang.

POPULAR: Read more news about Manny Pacquiao here

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel