Haunted hospital sa Pampanga, nakakakilabot ang mga ganap

Haunted hospital sa Pampanga, nakakakilabot ang mga ganap

-May maririnig na sigaw ng bata, may anino at iba pang kababalaghan ang nagpapakilabot sa isang ospital sa Angeles City sa Pampang

-Ayon sa eksperto, posibleng ang ilan sa mga ito ay paranormal

-Maging ang team ng programang KMJS, hindi nakaligtas sa kababalaghan ng haunted hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga istoryang inabangan nitong Linggo sa programang Kapuso mo Jessica Soho ay ang istorya ng haunted hospital sa Pampanga.

Taong 2003 nang itayo ang Philippine International Hospital ngunit nagkaroon ng problema sa pamunuan nito.

Mula noon, ginawa na lamang umano daw itong terminal ng mga pampasaherong jeepney.

Ang mga drivers, hindi nakaligtas sa mga nakakakilabot na ganap sa ospital. Ang isa daw sa kanila, nakakita ng isang bata na tumagos pa umano sa sementadong pader.

Maging ang team ng mga photographer, nakaranas rin ng hindi pangkaraniwan dito. Sigaw ng isang bata ang nagpatakbo sa mga ito na narinig pa sa actual video na kuha ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At ang team ng KMJS, hindi rin nakaligtas. Narinig din ng team ang sigaw at parang iyak ng isang bata.

Maging ang isang boses na tila galing sa ilalim ng lupa na nagsabi ng "Sige...", ang nagpakilabot sa cameraman nila.

Hindi ito maipaliwanag ng isang eksperto sa video editing at tinanggap na posible ngang ito'y paranormal, maging ang anino na nakita rin sa camera ng programa.

Narito ang video.

Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik

Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik

Trending on number 9! Ang paghihimagsik ng karma kina Jade at Ace sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel