Lion Air plane crash, posibleng namayapa lahat ng pasahero; ‘di pa rin tiyak ang pinagmulan

Lion Air plane crash, posibleng namayapa lahat ng pasahero; ‘di pa rin tiyak ang pinagmulan

- Hanggang sa ngayon ay wala paring naibabalita na survivor sa insidente

- Ilang body bag na nga ng mga nasawi at debris ang nakuha sa rescue operation

- Hindi pa rin malaman ang pinagmulan ng insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malaki ang posibilidad na walang nakaligtas sa insidenteng nangyari sa Indonesia kung saan bumagsak ang Boeing-737 MAX, Flight JT 610. Nalaman ng KAMI sa Philippine Star na ayon daw sa rescue team ay hanggang sa ngayon ay wala pa ring natatagpuang buhay.

Umabot na raw ng 10 body bags ang nakuha at ilan nga rito ay may laman na bangkay na higit pa sa isa. Samantala, 14 body bags naman para sa mga debris base sa report ng Rappler.

“The victims that we found, their bodies were no longer intact and it's been hours so it is likely 189 people have died,” giit ni Bambang Suryo Aji, operational director ng search and rescue agency.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malaman ang pinagmulan ng crash. May nga natagpuang parte ng nung jet at may mga kumalat ngang langis sa dagat. Hinahanap pa rin nila ang pinakakatawan noong eroplano.

“It's really a mystery what could have happened,” sabi ni Gren Waldron, ang Asia managing director ng industry publication ng Flightglobal.

Giit naman ni David Soucie, dating safety inspector ng US Federal Aviation Administration, hindi raw nagdeklara ng emergency sa flight na iyon.

“What's most peculiar to me is the fact that they didn't declare an emergency. They just simply said, 'we're going back',” sabi ni Soucie ayon sa report ng CNN.

“But when I look at the track of the aircraft after that, the aircraft made a very steep dive after that which is not typical of what they would've done. They would have maintained altitude and made that turn and come back to (the airport),” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ibinalita rin ng BBC na dati na raw may “instrument error” ang eroplano bago pa man ito lumipad at dati na rin daw itong napagdaanan ng mga crew.

Kasama rin daw sa flight na iyon ang isang dating professional cyclist na si Andrea Manfredi at kinumpirma ito ng Bardiano-CSF, dating team ni Manfredi.

Naiulat nga ng KAMI noon na ang Boeing 737 MAX, Flight JT 610 ay may rutang Jakarta-Pangkal Pinang. 13 na minuto pa lamang ito sa himpapawid ay hindi na raw ito ma-locate at posibleng bumagsak na. Naitala namang 189 ang taong karga ng eroplanong ito ng Lion Air.

Hindi rin maganda ang naging track record ng mga air transportation ng Indonesia. Noong 2014 nga ay bumagsak din ang eroplano ng AirAsia na may kargang 162 na tao. Dati ring kasama ang Lion Air sa blacklist ng European Union dahil sa kanilang hindi magandang record sa air safety base sa report ng Manila Bulletin.

Stray Kids My Pace - Dance In Public: KPop Zero Budget – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel