Pagpanaw ni Rico J. Puno, hindi inasahan dahil sa naging huling panayam sa kanya

Pagpanaw ni Rico J. Puno, hindi inasahan dahil sa naging huling panayam sa kanya

- Marami ang hindi makapaniwala na pumanaw na nga si Rico J. Puno

- Kamakailan lang, nagpaunlak ng isang panayam siya kasama sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez

- Sila ay nakatakda sanang magkakasama sa isang concert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na nga si Rico J. Puno dahil sa heart failure ngayong araw. Marami ang hindi makapaniwala sa lumabas na balita dahil nakita pa ito sa panayam sa ABS-CBN.

Nagbitaw pa ito ng salitang "Walang dapat ipag-alala" tungkol sa kanyang kalusugan.

Sa panayam sa kanya nitong October 18, nakipagsabayan pa siya sa pagsagot sa kanyang dalawang kasamang sina Marissa at Giselle Sanchez.

Matatandaang nito lamang taon ay tumanggap ng pacemaker si Rico para tugunan ang problema sa kanyang puso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatakda sanang magsama-sama ang tatlo sa isang concert na "Sana Tatlo Ang Puso Ko."

Kaya naman marami ang hindi agad naniwala nang unang lumabas ang balita. Samantala kinumpirma ng kanyang manager na heart failure ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

Si Rico ay tinaguriang "The Total Entertainer". Ilan sa mga skat niyang awitin ay "May Bukas Pa," "Kapalaran," "Lupa," "Macho Gwapito," at "Sorry Na Pwede Ba."

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel