Babala! Babaeng wala raw sa sarili, kumakain sa restaurant at makikipagtalong di magbayad

Babala! Babaeng wala raw sa sarili, kumakain sa restaurant at makikipagtalong di magbayad

- Isang babaeng nagpanggap na international assesssor ang di nagbayad ng kanyang kinain sa isang restaurant

- Nakunan ng video ang pakikipagtalo ng babae na napag-alamang dating guro

- Wala nang nagawa pa ang pulisya dahil sa tila wala raw sa sarili ang babae kaya ito ay pinakawalan na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Steak to One PH sa kanilang Facebook page ang isang video ng babaeng nakipagtalo at pinagpilitang di siya magbabayad ng kanyang kinain.

Ayon sa post, bandang 3:30 ng hapon nang pumasok ang babae at nagtagal ito ng apat na oras. Sumapit ang 7:30 ng gabi, at bilang malapit nang magsara ang restaurant, iniabot na sa babae ang bill na nagkakahalaga ng ₱944.

Tumangging magbayad agad ang babae at sinabing babalik na lamang daw siya pag may pera na dahil wala siyang dalang pera sa oras na iyon.

Doon na nagsimula ang pakikipagtalo nito dahil ginigiit niyang di niya babayarana ang bill at nagdesisyon na ang restaurant na magpatulong sa pulis.

Napag-alamang dating guro pala ang nagpapanggap na international assessor. Maria Criselda Cedaña-Gureng ang pangalan nito at misan na itong nakasuhan ng estafa. Ngunit dahil sa nag-back out ang nagreklamo, iniurong na lamang ang kaso.

Katunayan, hawak pa ni Gureng ang mga papeles ng kanyang kaso na iwinawagayway pa niya sa video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, wala raw nagawa ang pulis sapagkat mapapansing wala sa ang babae sa katinuan.

Ngunit, totoo mang wala sa sarili o modus lang ito ni Gureng, magsilbing babala raw ito sa mga may-ari ng kainan lalo na sa Quezon City.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica