Lalaking nagtangkang lumangoy mula Cebu hanggang Bohol, nasa Bohol na

Lalaking nagtangkang lumangoy mula Cebu hanggang Bohol, nasa Bohol na

- Nasagip ang isang lalaki na nagtangkang lumangoy mula Cebu papunta sanang Bohol

- Dadalaw daw ang lalaki na nakilalang si Ceferino Angco ngunit wala siyang pambili ng tiket

- Isang konsehal ng Talisay City ang tumulong kay Ceferino na makakuha ng tiket ng barko at makapunta sa Bohol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki ang nagtangkang maglangoy mula Cebu hanggang Bohol para madalaw ang mga pumanaw na mahal sa buhay.

Nasagip ang lalaking nakilalang si Ceferino Angco na walang raw perang pambili ng tiket sa barko papuntang Bohol.

Natagpuan ng bantay dagat na palutang lutang na lamang si Ceferino na di na makalayo gamit ang styrofoam sa Talisay CIty.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nahihiya raw manghingi ng pera para makabili ng tiket ang lalaki.

Siyam na oras nang nasa dagay si Ceferino na nagsimulang maglangoy 11:30 ng gabi noong Sabado, Oktubre 27.

Mabuti na lamang at nai-rescue siya ng bantay dagat dahil nakararanas na siya matinding pagkapagod.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahapon, Oktubre 29 lunan na ng barko papuntang Bohol sa tulong ni Talisay City Councilor Jojo Bacaltos para sa 1:30 ng hapon na biyahe.

Inaasahang nakarating na sa Bohol si Ceferino at madadalaw na nito ang mga namayapa niyang mahal sa buhay doon.

Samantala, nag-iwan ng impormasyon si Councilor Bacaltos na may numerong 0927 948 1856 para sa mga nais pang magparating ng tulong kay Ceferino.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for

Love conquers fame! Lindsay and Julius' marriage - a story of love worth fighting for
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel