Tipid ba kamo? Netizens, naloka sa kakaibang wedding gown na gawa sa 40 na bag ng semento

Tipid ba kamo? Netizens, naloka sa kakaibang wedding gown na gawa sa 40 na bag ng semento

- Isang talentadong Chinese ang nakaisip na gawing isang gown ang mga bag ng semento

- Ni-renovate daw ang bahay ng 28 taong gulang na misis kaya maraming bag ng semento sa kanila

- Umani ng papuri ang designer na ito na di nila inaakalang pwedeng gawing isang gown

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babaeng Chinese ang nakaisip ng kakaibang ideya sa mga bag ng semento na nakatambak na lamang sa bahay nila.

Ginawang wedding gown ni Tan Lili ang 40 na bag ng semento na dapat ay itatapon na.

Nagparenovate daw ng bahay ang 28 taong gulang na misis kaya naman may mga naiwan pang mga bag ng semento sa kanilang tahanan.

Imbis na mga lace at silk ang gamitin ni Tan Lili, naisipan niyang tahiin ang 40 bag ng semento na di niya akalaing mapapakinabangan pa.

Nagawa raw ito ng aspiring fashion designer dahil lang daw sa pagkainip. Nagtingin lamang siya ng mga disenyo ng gown sa mga fashion magazines.

Nang matapos ang kanyang kakaibang obra, maging siya ay nagulat sa kinalabasan.

Dahil dito, naisipan niyang i-upload ang larawan ng gown na siya mismo ang modelo at di niya akalaing magugustuhan ito ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ng chinese designer dumawa na rin siya ng ibang mga gowns yari sa damo, bulaklak at maging sa dyaryo. Talagang talentado ang designer na ito na sadyang malikhain dahil sa mga nagagawa niya sa mga pangkaraniwang bagay.

Samantala, naloka ang mga netizens na nakakita ng kakaibang disenyo ni Tan Lili. Umani ng papuri ang malikhaing designer.

Narito ang kanilang mga komento:

"Galing ah? ang tiyaga niya!"

"Hala, pwede pala ito?"

"Ayos to ah? at least di nasayang ang mga sako!"

"OMG! so artistic... more more!"

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel