Kakaibang photobomber! Nakakikilabot na mga larawan, binahagi ng mga netizens

Kakaibang photobomber! Nakakikilabot na mga larawan, binahagi ng mga netizens

Dahil nalalapit na ang halloween nangalap ang programang Kapuso mo Jessica Soho ng mga larawan ng na nababalot ng hiwaga at misteryo.

Ayon sa mga netizens na nagpadala ng mga nakakikilabot na larawan, "no filter" at "raw images" ang kanilang binahagi. Nangangahulugan lamang na walang pag-edit na naganap sa mga larawan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang larawan ay ang anino na di tumugma sa babaeng nakatayo at karga ang pamangkin. Mapapansin na ang anino ay nakababa ang braso, hindi raw ito sa babae na may kargang bata. Wala namang katabi pa ang babae na maaring makuhanan ng anino.

Ang pangalawang larawan ay kuha sa CR ng mental hospital. May nahagip na tila ulo ng babae ngunit wala namang ibang kasama ang kumuha ng litrato.

Kuha naman sa isang museum sa Vigan ang ikatlong larawan. Nagselfir ang isang babae at kitang kita na tila may nakisamang isa ring babae na animo'y napadaan sa kanyang likod. Tinanong ng kumuha ng larawan sa gwardiya kung may ibang tao pa sa lugar na iyon noong oras na iyon, at kinumpirma nitong wala.

Sa video naman ng isang lalaki na kumakanta at naggigitara, napahinto ito at nakunan ang pagdaan di umano ng parang usok na may kakaibang pigura.

Kuha naman sa Libuacan Cold Spring, Tagbina surigao Del sur ang larawan ng isang lalaki na naka-cap. Sa unang tingin, aakalain mong walang kakaiba sa larawan ngunit pag tinitigan ito lalo na ang nasa ibabaw ng ulo niya, may nahagip na di umano'y "white lady" sa malayo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang sumunod naman ay parang ordinaryong larawan lamang na kuha sa may swimming pool. Ngunit, nakakikilabot ito sa malapitan dahil sa katawan na walang ulo na nakalublob sa pool.

Isang multo ang animo'y nagpumilit na sumama sa sumunod na larawan. Mapapnsin kasi na tila nakayuko ito mula sa taas na bahagi ng hagdan at nakalaylay pa ang buhok nito.

Sa sobrang tuwa ng isang sakay ng LRT 1 dahil wala itong sakay, nag-selfie siya. Kuha ito nito lamang Hulyo. Nagkamali pala siya dahil sa nahagip ng kanyang camera na babaeng nakatayo sa malayo na naki-selfie sa kanya.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel