Top 7 sa pinakamalaking kontrobersiya sa Philippine showbiz ngayong taon

Top 7 sa pinakamalaking kontrobersiya sa Philippine showbiz ngayong taon

Tila naging mainit ang taong ito sa showbiz world dahil na rin sa mga malalaking kontrobersiya na kinasasangkutan ng ating mga paboritong mga artista.

Ito ang Top 7 sa mga pinakamalaking kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga kilalang artista sa Philippine showbiz ngayong taong ito, na nasipatan ng KAMI sa ulat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan namin ang listahan sa GMA News Online.

1. Kris Aquino

Maraming nangyari sa Queen of All Media sa taong ito.

Una, naging parte lang naman siya sa isang blockbuster film at rumampa lang naman siya sa Hollywood premiere sa Crazy Rich Asians.

Pagkatapos nito ay ibinunyag niya ang isang nakakalungkot na balita ng diumano'y pagtatraydor sa kanya ng isang taong pinagkakatiwalaan niya na dahilan na bumaba ang kanyang timbang ng husto.

At ang kanyang pagkatuklas sa totoo niyang sakit na tinatawag na Chronic Spontaneous Urticaria.

2. Sunshine Cruz

Naging isang malaking usapin din ang personal na buhay ni Sunshine Cruz, nang sa wakas ay na-annul na ang kanyang kasal kay Cesar Montano.

At isiniwalat din nya ang mga hindi nakaka-aya na mga pangyayari sa buhay niya noon.

3. Liz Uy

Naging kontrobersiyal rin ang isa sa mga It Girls at ang sikat na stylist ng mga artista na si Liz Uy.

Simula nang pagpapakilala sa kanyang anak na si Xavi at sa ama nito at ang mga sanga-sangang mga issue kaugnay sa huli.

4. Ellen Adarna

Pinag-usapan rin ang isyu tungkol sa "paparrazi" issue ng isang menor de edad na babae, ayon pa sa balita.

Bukod pa rito, tila nabuksan rin ng linaw ang diumano'y pagbubuntis niya binabalitang anak umano nila ni John Lloyd Cruz.

5. Darren Espanto and JK Labajo

Uminit rin ang Twitter world sa bangayan ng dating mga Voice Kids Philippines runners-up na sina Darren at JK dahil sa nasabing "hacked tweet."

6. Gretchen Fullido

Isang malaking usapin din ang kontrobersiya na kinasangkutan ng Star Patroller na si Gretchen Fullido sa mga executives umano ng ABS-CBN.

7. Janella Salvador

Ang isa sa pinakahuli na mainit na balita ay ang pagsiwalat ni Janella Salvador sa nangyaring kontrobersiya diumano nila ni Elmo Magalona.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel