Batikang mang-aawit na si Rico J. Puno pumanaw na

Batikang mang-aawit na si Rico J. Puno pumanaw na

- Namaalam na ang batikang mang-aawit na si Rico J. Puno

- Naospital kamakailan ang mang-aawit dahil sa komplikasyon ng diabetes sa kaniyang puso

- BUmuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati sa social media sa pagpanaw ng isang haligi ng musikang Pilipino

- Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati sa social media sa pagpanaw ng isang haligi ng musikang Pilipin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati sa malungkot na balitang bumulaga sa mamayang Pilipino ngayong araw, October 30. Pumanaw na ang atikang mang-aawit na si Rico J. Puno.

Nauna nang iniulat ng DZRH bandang alas tres ng madaling araw ang pagpanaw ng mang-aawit. Ayon sa ulat, pumanaw si Rico ng ala-una ng madaling araw. Ito daw ay dahil sa kanyang sakit sa puso. Kinumpirma din daw ito ng ilang kasamahan niya sa industriya.

Kinumpirma din ito ng kanyang sister-in-law na si Anna Puno.

Sa Facebook naman ay marami ang nagbalik tanaw at nagpatotoo sa pagiging mabuting tao ni Rico.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang taong 2015 nang sumailalim sa triple bypass surgery ang mang-aawit kaya isinugod siya sa hospital habang nasa taping ng Home Sweetie Home.

Nagkaroon din siya ng minor stroke sa gitna ng kanyang concert sa Resorts World Manila. Sa kabila ng pinagdaanan ay tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Rico ngunit napapansin ng kanyang mga katrabaho na mabilis na diumano siyang mapagod.

Si Enrico de Jesus Puno o mas kilala sa tawag na Rico J. Puno ay ipinanganak noong February 13, 1953. Siya ay kilalang mang-aawit, komedyante at TV host at hinangaan din sa kanyang malaking ambag sa OPM.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel