5 Famous female stars na nagsalita umano laban sa "physical abuse"

5 Famous female stars na nagsalita umano laban sa "physical abuse"

Ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI, "physical abuse" o ang pisikal na pang-aabuso ay diumano'y nagsisimula unti-unti, hanggang lalo raw itong lumalala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa salaysay ng cosmo.ph, kung saan namin una nakita ang balitang it, marami raw na mga tao na nasa mapang-abusong mga relasyon ay nag-iisip pa raw ng ilang beses bago pa umano magsalita o magpunta sa inuukulan.

Pero ika pa nga nila, "who can blame them?"

Sila raw ay natatakot at pakiramdam umano nila ay wala silang magawa.

Heto ang 5 sa mga kilalang mga bituing mga babae na nagsalita umano tungkol sa kanilang naranasan na diumano'y pananakit.

1. Ruffa Gutierrez

Nag open-up raw sa kanyang karanasan sa TV show na Rated K noong March 8, 2009.

Ang payo daw ni Ruffa:

"Importanteng mahalin mo ang sarili mo. If something happens—kung sinasaktan ka—it's best to speak out. Call a friend. Call anyone and get help."

2. Sunshine Cruz

Nagbigay rin umano ng tell-all interview si Sunshine Cruz, kamakailan lang sa PEP, at dito raw idinatalye ang "long history" ng nasabing pang-aabuso diumano sa kabuuan ng kanilang married life.

Ang natutunan raw ni Sunshine sa nangyari at pinapasalamatan:

"Kung meron mang pinagpapasalamat sa kanya—lumakas ako, naging matapang, natuto akong lumaban, hindi ko nagagawa yun noon! At, siyempre, binigyan niya ako ng tatlong mga anak."

3. Jennylyn Mercado

Noong Disyembre ng 2014 raw, ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang diumano'y pananakit ng kanyang stepfather.

Ibinahagi umano niya ang detalye sa mga pangyayari sa The Philippine Star.

4. Barbie Imperial

Binalita rin dati ang mga series na mga social media posts, na ngayon ay dinelete na umano, ng aktres na si Barbie Imperial.

Pagkatapos ng napaka kontrobersiyal na tweet tungkol sa pananakit daw ay dinelete ito ng Kapamilya aktres at tinweet ang mga salitang, "Be Strong."

5. Janella Salvador

Nagpa-interview raw si Janella Salvador kay Ricky Lo ng The Philippine Star at dito umano inamin ng Kapamilya star ang diumano'y pananakit na naranasan niya.

At ang huling saad raw niya tungkol sa isyung ito:

“For two years, I focused on Elmo and myself. This time, I am giving more attention to myself. He hurt me and I cannot, can never tolerate that.”

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration

Mickey in Barong tours PH as part of his 90th birthday celebration
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel