Pulis na nanggahasa raw sa anak ng drug suspects, giniit na kalakaran na ito ng pulisya

Pulis na nanggahasa raw sa anak ng drug suspects, giniit na kalakaran na ito ng pulisya

- Inaresto ang isang baguhang pulis dahil sa panggagahasa di umano sa 15 anyos na anak ng mga drug suspects

- Bagaman at nasermunan na ng (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar ang pulis, bumwelta pa rin ito sa pagsasabing di na ito bago sa sistema ng pulisya

- Nagmakaawa pa raw ang pulis na nakilalang si Eduardo Valencia at may pamilya rin daw siya ngunit di ito umubra sa kanyang kabaro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang gumawa ng eksena ang PNP nang masangkot ang isa nilang kabaro sa kaso ng rape.

Nakilala ang baguhang puis na si Eduardo Valencia na inakusahang nanggahasa ng 15 taong gulang na anak ng drug pusher na kanilang nahuli.

Inaresto ang pulis sa mismong tahanan niya sa San Nicolas, Pasig City.

Isa umano si Valencia sa mga umaresto sa mga magulang ng dalagita at kasama rin nila ito.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinaliwanag daw ni Valencia na kung sumama at makipagtalik ang dalagita sa kanya, di na huhulihin pa ang mga magulang nito.

Sinabihan naman ng ina ang anak na huwag pumayag ngunit mapilit ang pulis at sinama ang dalagita sa pinakamalapit na hotel sa Sta. Mesa.

Base sa pahayag ng anak ng mga pusher sa Manila Bulletin, pinilit di umano siya ni Valencia at dalawa pang pulis na uminom ng alak bago gawin ng puli ang kahalayan sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di napigilan ng ina ng biktima na maglabas ng matinding galit sa sinapit ng kanyang anak.

Samantala, matinding sermon ang inabot ng baguhang pulis mula kay (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar. Nasisira raw ang reputasyon ng PNP dahil sa mga katulad ni Valencia.

Ngunit sa pagmamakaawa ng suspek sa kanyang kabaro, nabanggit niyang ang kanyang ginawa at di na bago sa sistema ng pulisya.

Ayon sa Coconuts, nangangahulugang naging kalakaran di umano ng pulisya na absweltuhin ang may mga kasong konektado sa droga basta may "kapalit"

Inaasahang haharap sa criminal at administrative cases Valencia. Nasa kusodiya naman ng Department of Social Work and Development ang dalagita.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel