Hahabol sa Undas! Lalaki, sinubukang languyin ang Cebu hanggang Bohol

Hahabol sa Undas! Lalaki, sinubukang languyin ang Cebu hanggang Bohol

-Walang pamasahe at hindi raw kasi kayang gumawa ng masama ng isang lalaki kaya sinubukan na lang languyin ang papuntang Bohol mula Cebu

-Ligtas ngunit nanghihina umano ang lalaki ng makita ito sa karagatan

-Nais lamang daw kasi nitong magtirik ng kandila para sa mga magulang sa darating na Undas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Siyam na oras na raw lumalangoy sa dagat ang lalaking si Ceferino Angco, ayon mismo sa kanyan nang makita siya ng mga Bantay Dagat sa Talisay City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nais daw kasi nitong makarating sa Carmen, Bohol upang makapagtirik ng kandila sa puntod ng mga magulang, ngunit wala itong pamasahe.

Hindi rin daw nito kayang gumawa ng masama para lamang magkaroon ng pamasahe kaya naisipan na lamang nitong languyin ang dagat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa kwento nito, taong 2011 pa daw nang mapadpad ito kasama ang pinsan sa Talisay upang maghanap ng trabaho ngunit hindi pinalad.

Kaya naman napilitan na lamang itong mamasura.

Ligtas man ito, nanghihina at nanginginig na rin daw ito ng makita ng mga Bantay Dagat ng Talisay habang nagpapalutang-lutang at kumakapit sa isang maliit na styrofoam.

Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers! These questions might sound easy, but in reality, they are pretty tricky and it is easy to make a mistake! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP

Netizens react to Bright Akhuetie as UAAP's new MVP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel